• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P3-M bagong logo ng PAGCOR inulan ng batikos

INULAN  ng batikos ang itsura ng bagong labas na logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa ika-40 anibersaryo nito — bagay na nagkakahalaga ng P3.03 milyon ayon mismo sa gobyerno.

 

 

Martes nang ibunyag sa publiko ang naturang logo sa Marriott Hotel Manila, na siyang dinaluhan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

 

 

“The new PAGCOR logo incorporates the element of fire associated with energy, inspiration, passion and transformation. It symbolizes the flame that ignites change and drives progress,” paliwanag ni PAGCOR chairperson at chief executive officer Alejandro Tengco kahapon.

 

 

“The logo likewise reflects a beacon which symbolizes guidance, leadership, and direction. It represents a guiding light that helps people find their way.”

 

 

Binuo ang PAGCOR sa pamamagitan ng Presidential Decree 1869 noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. taong 1983.

 

 

Ito ang namumukod-tanging korporasyon ng gobyernong nagpapatakbo at nagtatayo ng pasugalan sa Pilipinas. Pinangangasiwaan at nireregula rin nito ang mga pribadong casino.

 

 

Umabot na P607 bilyon ang kabuuang Contributions to Nation Building (CNB) ng ahensya sa nakaraang 40 taon, maliban pa sa P64 bilyong total dividends remittances simula 2011. Dahil diyan, aabot sa P671 bilyon ang total contributions ng PAGCOR.

 

 

Sa ilalim ng pamumuno ni Bongbong, P45 bilyon agad ang CNB mula sa PAGCOR, na nakikita pang aabot ng P70 bilyon pagkatapos ng taon.

 

 

“All these taken together, our new logo reflects PAGCOR’s long standing commitment of being a guiding force that illuminates the way forward, drives transformation and development, and brings inspiration and motivation to the lives it touches,” dagdag pa ni Tengco.

 

 

Milyun-milyong halaga ang naturang logo, batay na rin sa July 27 “notice of award” na ipinagkaloob sa isang Francisco Diplon.

 

 

Umabot sa P3,035,714.28 ang quotation ni Doplon para sa naturang disenyo, bagay na wala pang value added tax at zero-rated transaction.

 

 

Si Doplon ang sinasabing proprietor ng Printplus Graphic services, ayon sa bidding projects section ng opisyal na website ng PAGCOR.

 

 

Hindi maganda ang pagtanggap nang maraming netizens sa nasabing disenyo, lalo na’t tila hindi raw karapat-dapat na milyon ang ginastos sa kinalabasang itsura.

 

 

“No way PAGCOR just chose a logo that’s so similar to Lucky Me’s logo. Never tell us this costs huge sums of money. ‘Designer’ can’t even understand basic color theory and how blue and red connects with gaming and amusement in such that they used gradient for what,” sabi ni Kevin Bryan Mecija sa Facebook.

 

 

“Ano yan, PAGCOR? Swertihan kasi sa Gambling kaya kopya assignment nalang sa Lucky Me?”

 

 

Ayon naman sa meme page na Albularyo at Facebook users na sina Aaron Teofilo Full at Albert Egot Jr., animo parang demonyo at halimaw raw ang itsura nito dahil sa pulang mukha at dalawang sungay.

 

 

Hinaluntulad din ito nang marami sa logo ng Petron, na isa sa tatlong major players pagdating sa industriya ng langis sa Pilipinas. Ang ilan naman, napansin kung paano ginamit ang “gradient” sa logo.

 

 

“I have nothing against high-ticket projects esp. [especially] in the branding and advertising industry kahit pa 10 million yan. Go! But with this output na kesho represents the burning passion daw. THE F!” wika ni Egot, na sinabing parang demonyo sa pelikulang “Insidious” ang logo.

 

 

Dagdag naman ni Roy Van Rivero, tila pagwawaldas ng P3 milyong pera ng taumbayan ang pagpapalit ng logo lalo na’t pwede pa ring mai-apply ang kahulugan sa likod ng bagong disenyo sa luma. (Daris Jose)

Other News
  • Peak sa kaso ng COVID 19, maaaring mangyari sa unang linggo o ikalawang linggo ng Hulyo base sa projection ng OCTA Research

    NANAWAGAN ang OCTA Research sa publiko na mag-ingat sa gitna ng nakikita nitong pagtaas sa kaso ng COVID 19.     Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni  Dr. Guido David ng OCTA  na may  projection  sila o pagtataya na baka mangyaring maranasan ang peak sa kaso ng Covid-19 sa  first o second week ng […]

  • Tubig sa Angat ‘di sasadsad sa critical level -MWSS

    HINDI sasadsad sa critical level ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan.     Ito ang pampakalmang pahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa  publiko kaugnay ng antas sa krisis sa tubig.     Sinabi ni Engineer Patrick Dizon, Division Manager ng MWSS na batay sa pag-aaral na ginawa ng Inter-Agency […]

  • Enrollment ngayong school year mas marami

    Labis na ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang mas mataas na bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2021-2022 kumpara noong nakaraang school year.     Ayon sa DepEd, sa ngayon ay mayroon nang 26,308,875 o 100.3 percent ng mga estudyante ang nag-enroll kumpara sa 26,227,022 na nag-enroll noong nakaraang taon.     […]