P4.2 BILYONG PISO HALAGA NG IMPRASTRAKTURA, WINASIWAS NG BAGYONG ULYSSES
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa P4.2 bilyon piso halaga ng imprastraktura ang nasira ng bagyong Ulysses.
Sa idinaos na Special Presidential briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na pumalo na sa aabot sa 52 road sections ang sarado pa ngayon at hindi pa madaanan ng mga sasakyan dahil sa bagyong Ulysses.
Binigyang diin ng Kalihim na sarado ang mga kalsada dahil sa landslide, makapal na putik, mga natumba na puno at baha.
Sa nasabing bilang, may 14 na kalsada ang mula sa Cordillera Administrative Region; isa sa Region 1; 13 sa Region II ; 8 sa region III, 7 sa region 4-a; 8 sa region 5 at isa sa region 8.
Sinabi ng Kalihim na, 19 ang national road na may limited access habang 92 naman ang naisarang kalsada pero dahil sa mabilis na pag- aksyon ng DPWH ay 40 ang agad na na-clear.
Samantala, nasa P1.19 billion ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura partikular sa region 1, 2, 3, Calabarzon, region 5 at Cordillera region.
Umabot na sa P469.7 million ang pinsala sa imprastraktura sa region 1,Mimaropa at region 5.
Nasa 25,852 naman na mga kabahayan ang nasira dahil sa hagupit ng bagyo.
Ito ay base sa isinagawang damage assessment ng ahensiya sa mga rehiyon na lubhang hinagupit ng Bagyong Ulysses.
Nilinaw naman ng NDRRMC na walang discrepancy sa kanilang mga figures dahil sumailalim na ito sa validation.
” There is no discrepancy po sa figures. The figures provided by the good Secretary ng DPWH is their agency’s estimate of the possible damages to infrastructure incurred in all affected areas,” paliwanag ni Timbal.
Sinabi ni Timbal ang datos o figures na inilalabas ng NDRRMC ay ang actual computed damages na iniulat ng mga regional DRRMCs batay sa isinagawa nilang damage assessment.
Dagdag pa ni Timbal, hinihintay pa rin nila ang ulat ng iba pang mga DRRMCs para sa kanilang report kaugnay sa naging epekto ng bagyo. (Daris Jose)
-
Ads March 25, 2021
-
Fake news hinggil sa nationwide lockdown sa darating na Dec 23 hanggang Jan 3, galing sa kalaban- Malakanyang
NANINIWALA ang Malakanyang na galing sa kalaban ng gobyerno ang kumalat na balita hinggil sa sinasabing ikinakasang lockdown sa buong bansa sa darating na Disyembre 23 hanggang Enero 3 ng susunod na taon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na malinaw na target ng mga nasa likod ng fake news ang galitin ang taumbayan. […]
-
Kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal… Zubiri, nanawagan ng agarang modernisasyon ng AFP at PCG
DAHIL sa marahas na sagupaan noong Hunyo 17 sa pagitan ng Chinese Coast Guard at mga tropa ng Philippine Navy malapit sa Ayungin Shoal, binigyang-diin ng Dating Pangulo ng Senado na si Juan Miguel Zubiri ang kritikal na pangangailangan na imodernisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine Coast Guard (PCG). […]