• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P4.5 bilyong confidential, intel funds ng Office of the President mananatili

MAAARING  manatili na lamang ang P4.5 bilyon na panukalang confidential at intelligence funds (CIFs) ng Office of the President (OP).

 

 

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, ito ay sa sandaling amyendahan ng Senado ang panukalang P5.268 trilyong 2023 General Appropriations Bill (GAB).

 

 

Idinagdag pa ni Angara na wala siyang nakikitang dahilan para bawasan ang CIFs ng Pangulo dahil hindi naman humingi ng dagdag nito si Pangulong Bongbong Marcos.

 

 

Nanatili umano ang nasabing pondo simula noong panahon ni da­ting pangulong Rodrigo Duterte at ngayon panahon ni Marcos ay hindi na ito pinadagdagan pa ng Pangulo.

 

 

Kaya patas lamang umano na kung ano ang nasa ilalim ni Duterte ay siya rin ibigay kay Marcos.

 

 

“So, sa amin, parang fair lang ‘yun — kung ano ‘yung nasa ilalim ni Pangulong Duterte, ‘yun din ang dapat ibi­gay kay Pa­ngulong Marcos, lalong-lalo na at napakalaki ng kanyang mandato, mara­ming umaasa po sa kanya at talagang siya po ang responsable,” sabi pa ni Angara. (Daris Jose)

Other News
  • “UNCHARTED” REVEALS FIRST-LOOK OF TOM HOLLAND AS NATHAN DRAKE

    COLUMBIA Pictures has un- veiled the first-look images its upcoming action adventure Un- charted, adapted from the massively popular PlayStation/ Naughty Dog video game franchise.   Get your first look at Tom Holland as the young Nathan Drake and other iconic images in the stills below.   In his interview with Collider.com, Holland revealed the […]

  • Malaking bagay na matagumpay ang comeback serye niya: KYLIE, nakapag-move-on at naka-recover na sa role ni ‘Bolera’

    MASAYANG-MASAYA ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.   Kahit na nasa huling Linggo na ang kanyang GMA Telebabad serye, ang “Bolera,” masasabing nagsimula at magtatapos ito ng mataas ang rating at isa sa matagumpay na primetime series ng GMA.   At comeback din ito ni Kylie sa telebisyon kaya malaking bagay talaga para sa […]

  • LTO: Naghahanda na sa single ticketing system sa 2023

    NAGHAHANDA na ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng implementasyon ng single ticketing system sa Metro Manila sa unang third quarter ng susunod na taon.     Ito ang sinabini assistant secretary Arturo Jay Tugade matapos gawin ang isang draft ng memorandum circular kung saan kanyang kukunsultahin ang mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan […]