P5.268 trilyong budget sa 2023, aprub na sa Senado
- Published on November 25, 2022
- by @peoplesbalita
SA BOTONG 21 pabor at walang pagtutol o abstention ay inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang P5.268 trilyon 2023 national budget.
Dahil dito kaya sisimulan na nila sa Biyernes ang bicameral conference committee meetings para pag- usapan ang mga hindi napagkasunduang probisyon ng Kamara at Senado.
Ayon naman kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, ang 2023 national budget ay para sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Filipino matapos ang pandemya at tiniyak na layon din nito ang para sa pagbibigay seguridad sa pagkain, pagbuhay sa edukasyon, paghahanda ng bansa sa epekto ng climate change at iba pa.
Magkakaroon pa rin umano ng ayuda para sa Filipino subalit hindi na para sa lahat tulad ng nakaraang pagbibigay ng ayuda kundi pili na lamang ang sektor na bibigyan ng ayuda at nakabase lamang sa bigat ng pangangailangan at naging epekto ng pandemya sa kanila.
Kasama rin sa 2023 national budget ang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Protective Services to Individuals in Crisis Situations, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD) at ang Sustainable Livelihood Program. (Daris Jose)
-
PDu30, niresbakan si VP Leni Robredo
NIRESBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko na nagsabing may magagawa pa ang pamahalaan sa kampanya laban sa coronavirus disease or COVID-19. Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay tugon na rin sa sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang gobyerno ay hindi handa para harapin ang COVID-19 nang magsimula na ang […]
-
Bilang ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA Carousel Busway, binawasan ng LTFRB
BINAWASAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang mga bus na bumibiyahe sa EDSA Carousel busway, kasunod na rin nang pagtatapos na ng libreng sakay program ng pamahalaan noong Disyembre 31, 2022. Ayon sa LTFRB, ibinalik na nila sa orihinal na 550 units ang bilang ng mga public utility buses […]
-
Door-to-door pantry inirekomenda
Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang ihatid na lamang sa mga bahay ng pantry organizers ang kanilang mga donated goods upang hindi na maglabasan pa ang mga tao partikular ng mga senior citizens at makaiwas sa virus ng COVID-19. Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ronaldo Olay, ang lahat ng pag-iingat […]