P6B emergency loan, inilaan ng GSIS para sa maapektuhan ng bagyong Betty
- Published on May 31, 2023
- by @peoplesbalita
NAGLAAN ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P6 billion na emergency loan ngayong taon para sa mga miyembro at pensioners nito na maapektuhan ng kalamidad.
Ang anunsiyong ito ng ahensiya ay kasabay na rin ng pagpasok ng bagyong Betty sa Philippine area of responsibility.
Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, partiluar na inilaan ang naturang loan asistance para matulungan ang mga nangangailangang miyembro at pensioners nito sa kasagsagan ng kalamidad.
Paliwanag ng GSIS na maaaring makahiram ang mga miyembro at pensioners na may existing emergency loan balance ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang nagdaang emergency loan balance at maaaring makatanggap ng maximum net amount na P20,000 para sa bagong loan.
Habang ang mga miyembro at pensioners naman na walang existing emergency loan ay kwalipikadong mag-apply para sa loan na P20,000.
Ang naturang emergency loan mula sa GSIS ay mayroong 6% interest rate na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon. (Daris Jose)
-
PBBM nilagdaan na ang batas na magtataas sa P10-K teaching allowance ng mga guro
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, naglalayong suportahan ang mga public school teachers sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng allowances. Layon ng nasabing allowance na pagaanin ang ‘financial burdens’ o pasanin sa pananalapi na nauugnay sa pagbili ng teaching supplies at materials, upang […]
-
Pinas, planong gamitin ang mining revenues para sa Maharlika Investment Fund
PLANO ng Pilipinas na tapikin ang mining industry para tumulong na suportahan ang nililikhang sovereign wealth fund. Habang sinimulan na ng 18-member government delegation ang World Economic Forum annual meetings hinggil sa global pitch para sa Maharlika Investment Fund (MIF), Ipinaliwanag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang konsepto ng sovereign wealth fund […]
-
Balitang-balita na ang plano sa Maynila: ISKO, wala nang balak mag-mayor at posibleng tumakbo si Sen. IMEE
WALA na raw balak na puntiryahin ni dating Manila Mayor, aktor at TV host Isko Moreno ang pagiging alkalde ng Maynila. Kaya malakas ang ugong na si Sen. Imee Marcos daw ang makakalaban ng kasalukuyang Ina ng Maynila na si Mayor Honey Lacuna. Pero itinanggi naman ng isang malapit sa Senadora. But still, mukhang […]