P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators
- Published on July 21, 2023
- by @peoplesbalita
TARGET ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.
Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na gastusin sa operasyon ng pampasaherong sasakyan dahil sa tumaas na halaga ng produktong petrolyo.
Niliwanag naman ni Guadiz na prayoridad na unang makatanggap ng subsidy ay ang mga pampasaherong jeep na sumailalim na sa consolidation o kasama na sa kooperatiba alinsunod sa rekisitos ng PUV modernization program ng pamahalaan.
“Kung hindi sila magko consolidate, bakit sila bibigyan ng subsidy..kaya ang bibigyan lang muna natin ng subsidy ay yaong mga nag consolidate na..na nag- ayos na pumasok na sa modernization” sabi ni Guadiz.
Idinagdag pa nito na noong Hunyo ay umaabot na sa 64.9 percent ng nasa transport sector ang sumailalim na sa consolidation o pagsasama- sama ng mga pampasaherong sasakyan para sa pagbuo ng kooperatiba o korporasyon.
Target anya ng LTFRB na sa December 31,2023 ay may 85 hanggang 90 percent na ang mga pampasaherong sasakyan na sumailalim sa consolidation.
Ang consolidation o pagsasama-sama ng mga PUVs sa iisang kooperatiba o korporasyon na isang hakbang para sa planong PUV modernization program ng pamahalaan.
Niliwanag naman ni Ortega na patuloy ang gagawin nilang pag-iikot sa ibat ibang panig ng bansa upang makausap at maipaliwanag sa mga hanay ng transportasyon ang kahalagahan ng pag-consolidate o pagsama-sama sa isang kooperatiba.
Iniulat din ni Chairman Andy Ortega ng Office of Transport Cooperative na pinag-aaralan pa nila ng LTFRB sa pangunguna ng DOTr ang mga guidelines sa ipapamahaging fuel subsidy.
Samantala, iniulat naman ni LTO President Orlando Marquez na naiparating din ng LTFRB sa kanilang hanay na tutulungan sila ng ahensiya na maisailalim sa rehablitasyon ang mga traditional jeep na matagal na pero road worthy pa sa ganitong paraan ay mababawasan din ang kanilang agam-agam na mawalan na ng kuwenta ang mga sasakyan.
-
Blancada pangarap ang mag-Olympics surfing
AANGKLAHAN ni 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s surfing longboard gold medal winner Nilbie Blancada ang anim-katao pambansang koponan ng Pilipinas na papalaot sa 2021 Surf City El Salvador World Surfing Games sa Mayo- 29-Hunyo 6 sa La Bocana at El Sunzal, El Salvador. Isinilang sa Barangay Catangnan, Gen. Luna, Surigao del Norte […]
-
‘Political terrorism’ ang pagpatay kay Governor Degamo – senador
INILARAWAN ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isang “political terrorism” ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Paliwanag ni Zubiri, sakop ito ng anti-terrorism law. Ito at dahil ang pagpatay sa sibilyan o isang tao at pagsira ng mga ari-arian ay malinaw na pananakot. Isa lang aniya […]
-
PRESYO NG KARNE NG BABOY SA MGA PALENGKE MULING SUMIPA SA P400 BAWAT KILO
MULING sumipa ang presyo ng karne ng baboy sa P400 bawat kilo sa ilang palengke sa Metro Manila. Ito ay sa mga palengke ng Commonwealth Market sa QC, Mega Q-Mart, Trabajo Market sa Sampaloc, Manila at Acacia Market sa Malabon. Habang sa Blumentritt Market ay P380 kada kilo ng liempo at P360 sa kasim […]