P7.9 bilyong COVID-19 allowance ng HCWs inilabas na
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Health (DOH) ang P7.92 bilyon One Covid-19 Allowance (OCA).
Ang nasabing halaga ay nakalaan para sa 526,727 eligible na public at private healthcare workers (HCWs) at mga non-HCWs na ang trabaho ay may kaugnayan sa COVID-19 response.
Sa nasabing halaga, ang P4.50 bilyon ay para sa COVID-19 benefits ng nasa 100,313 DOH plantilla personnel sa mga pampublikong ospital, tanggapan at mga rehabilitation centers kabilang na ang mga military at state university hospitals.
Ang natitirang P3.42 bilyon ay para sa 426,414 health workers na nagrereport sa mga local government units at mga pribadong health facilities.
Sa ilalim ng OCA, ang mga health workers na matutukoy na high risk sa COVID-19 ay makakatanggap ng P9,000 kada buwan samantalang ang moderate risk ang exposure ay P6,000 at ang low risk ay P3,000.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas pinabilis na ngayon ang pagpapalabas ng nabanggit na allowance.
“Kung dati po kailangan naming i-validate at i-compute per specific allowance, ngayon po nasa isang lumpsum na po siya na ibibigay natin sa health workers according to their risk classification…Lesser na po ang tsansa para ma-delay ang pag-release natin ng kanilang mga allowances,” ani Vergeire.
Nilinaw din ni Vergeire na walang tinanggal sa allowance ng mga health care workers at ginawa lamang na mabilis ang proseso.
-
PUBLIC TRANSPORT NA WALANG PRANGKISA MAS NAPABORAN KAYSA MAY PRANKISA SA ILALIM ng JAO 2014-01???!!!
Kailangan ang mahigpit na kampanya laban sa mga colorum na sasakyan. Inaagawan nito ng hanapbuhay ang mga legal na pumapasada at delikado ito sa mga pasahero dahil walang personal passenger insurance ang mga colorum. Pero paano kung ang mismong polisiya na dapat panlaban sa mga colorum ay tila mas mabigat ang parusa sa mga may […]
-
ANDREW KOJI, HIROYUKI SANADA SEEK VENGEANCE IN “BULLET TRAIN”
TWO of today’s most popular Japanese actors, Andrew Koji (HBO Max’s Warrior) and Hiroyuki Sanada (John Wick: Chapter 4) star alongside Brad Pitt in Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train, in Philippine cinemas August 10. In the film, Pitt stars as Ladybug, an unlucky assassin determined to do his job peacefully after one too many […]
-
‘Scream’ Official Retro Poster Showcases Ghostface with a Blood-stained Knife in the Moonlight
THE Scream franchise’s notorious Ghostface killer is a lethal threat in the moonlight in the latest official poster for the upcoming fifth installment. It’s been 25 years since Wes Craven first joined forces with screenwriter Kevin Williamson to bring horror fans what arguably became the greatest homage to the slasher genre in horror history. Known for […]