• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P8 bilyong pisong intelligence fund, gagamitin sa mga terorista, komunista at drug lords- Sec. Roque

PATULOY pa rin ang banta ng mga terorista, Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), komunista at mga drug lords kahit may pandemya.

 

Dito ani Presidential Spokesperson Harry Roque mapupunta ang P8 bilyong piso sa national budget para sa surveillance ngayong taon.
“Hindi naman ibig sabihin na pandemya ay tigil na muna ang terorismo. Dyan napupunta ang ating intel fund at kasama na rin  diyan.. sa mga benepisyong ibinibigay doon sa mga napapatay ng mga sundalo at mga kapulisan,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, sinasabing mas mababa ito kumpara sa nakaraang alokasyon.

 

Ayon sa Budget of Expenditures and Sources of Financing Tables na naka- attached sa 2022 National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, naglaan ang pamahalaan ng P8.6 billion para sa intelligence at confidential expenses.

 

Sinasabing mas mababa ito ng P911,372,000 mula sa inilaan noong nakaraang taon.

 

Ang Intelligence expenses ay tumutukoy sa intelligence information-gathering activities ng uniformed at military personnel, at intelligence practitioners na mayroong direktang epekto sa national security.

 

Ang mga ahensiyang gumagamit ng intelligence funds ay kailangan na magsumite sa Pangulo ng “quarterly report” ukol sa accomplishments sa paggamit ng nasabing pondo.

 

Ang Confidential expenses, sa kabilang dako ay may kinalaman sa surveillance activities sa civilian government agencies na ang nilalayon ay suportahan ang mandato at operasyon ng ahensiya.

 

Ang mga ahensiya na gumagamit ng confidential funds ay kinakailangan na magsumite sa Pangulo at sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ng “quarterly report” hinggil sa accomplishments sa paggamit ng naturang pondo. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30 kay Robredo sa isyu ng VFA: Wala ka sigurong alam!

    “WALA ka sigurong alam!”   Ito ang buweltang tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang ihalintulad ni Vice-President Leni Robredo sa pangingikil ang paghingi niya (Pangulong Duterte) ng bayad mula sa US para sa pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).   Sinabi kasi ni Robredo na parang gawain lamang ito […]

  • Health workers nanlulumo na sa pagdami ng COVID-19 cases

    Nanlulumo na umano ang ilang healthcare workers, dahil imbis na bumuti, mas malala pa anila ngayon ang sitwasyon dahil lalo pa ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.     “Nakakawala ng pag-asa, wala nang gana. Marami nang nag-abroad, hindi naman natin sila masisisi kasi even throughout the year marami kaming calls, pero […]

  • Sa halip na magpasa ng mga batas na makatutulong: Sen. ROBIN, nais ipa-ban ang K-dramas at pabor din si Sen. JINGGOY

    HINDI kami pabor sa sinasabi nina Senator Robin Padilla at Senator Jinggoy Estrada na dapat i-ban ang mga K-dramas sa Pilipinas.     Sabi ni Sen. Jinggoy, kung minsan daw ay naiisip niyang solution sa pag-angat ng TV shows ay ang pag-ban ng K-dramas. Pero ito raw ay obserbasyon lamang niya.     Pareho sila […]