• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P8 milyong suhol kada suspek ‘kathang isip’ – Teves

TINAWAG  ni suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na “kathang isip” ang umano’y P8 milyong alok sa bawat suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Go­vernor Roel Degamo para bawiin ang nauna nilang akusasyon laban sa mambabatas.

 

 

Sa video sa kanyang Facebook page nitong Sabado, sinabi ni Teves na hindi niya maunawaan kung saan nakuha ni Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla ang figure na P8 million.

 

 

“Hindi ko alam saan nakuha ‘yung 8 million na number eh. Bakit hindi 7, hindi 9, hindi 10 million? Baka pumasok sa isip niya na gamitin ‘yung number 8 dahil swerte? Doon mo makikita na mga kathang isip,” ani Teves.

 

 

Naunang sinabi ni Remulla na, batay sa intel report, inalok ng P8 million ang mga gunmen na dahilan ng kanilang pagbaliktad, na nagsimula umano nang mahuli noong Marso ang itinuturing co-mastermind ni Teves na si Marvin Miranda.

 

 

Giit ni Teves, nagsisinungaling ang Justice secretary.

 

 

“Kung ano-anong lumalabas sa utak mo, hindi naman totoo. At nasabi mo pa sa publiko. Anong istura mo ngayon? ‘Di sinunga­ling, ‘di ba? So, wala: king of sablay, fake news, sinungaling,” saad ni Teves.

 

 

Para sa biyuda ni Gov. Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo, may batayan ang pahayag ni Remulla kaugnay ng paggamit ng pera ng mga Teves para suportahan ang mga akusado.

 

 

Hinala rin ni Degamo, may gumagastos para mabigyan ng magagaling na abogado ang mga gunmen.

 

 

“Money talaga ‘yung gagamitin nila to get what they want, just like how it was back here in Negros Oriental — they were able to silence everyone because of money and fear,” dagdag niya.

 

 

Sa kabila ng pagbaliktad ng testimonya ng mga gunmen, naniniwala si Degamo na nananatiling malakas ang kaso laban kay Teves dahil may mga matibay umanong ebidensya para mapanagot ang mambabatas.

 

 

“There are other evidence, pieces of [evidence] na nagre-rely kami doon kaya hindi po kami natitinag.” (Daris Jose)

Other News
  • Granular lockdown sa NCR mahigpit na ipatutupad ng PNP

    Todo bantay at mahigpit na tutulong ang Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng mga  ‘granular lockdowns’ ang mga local  government unit (LGU) sa buong Metro Manila matapos na isailalim na ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),ayon kay  PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.     Una rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority […]

  • Magsasaka, magsasagawa ng sariling State of the Peasant Address (SOPA)

    TATAPATAN ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at iba pang grupo mula sa agriculture at fisheries sector at food security advocates ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos ng sarili nilang State of the Peasant Address o SOPA.     Ang SOPA ay taunang forum na ginagawa para ihayag ang sitwasyon, isyu […]

  • Na-excite ang mga Kababol sa team up nila… PAOLO at MICHAEL V, nagsanib-pwersa sa isang segment ng ‘Bubble Gang’

    MAY makakasama ang “Patibong” host na si Kuya Glen (Paolo Contis) sa paghuli sa mga salot ng lipunan sa award-winning gag show na “Bubble Gang”.     Isang teaser photo ang nilabas sa official social media pages ng “Bubble Gang” kung saan muling gaganap ang multi-awarded Kapuso personality na si Michael V bilang si Bonggang […]