• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P82.5 bilyong pondo sa bakuna kinapos

Hindi sapat ang P82.5 bilyon na inilaan ng gobyerno para sa pagbili ng bakuna ngayong taon laban sa COVID-19, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na sa P82.5 bilyon, P70 bilyon ang ginamit para sa pagbili ng bakuna at P12.5 bilyon ang inilaan sa “ancillary at logistical requirements.”

 

 

“Alam ninyo po, sa taong ito ay nag-allocate po tayo ng P82.5 billion for COVID-19 vaccination program. Of this amount, 70 billion po iyong ginamit natin para ipambilli ng mga COVID-19 vaccines, at iyong P12.5 billion naman ay para sa ancillary and logistical requirements. Subalit hindi po tayo natatapos dito dahil talagang kaila­ngan pa natin nang mas marami pang vaccine, at nakikipag-unahan nga tayo sa ibang bansa. Kaya nga po itong lahat ng ito ay covered ng mga loan agreements,” ani Avisado.

 

 

Pero hindi pa aniya natatapos ang pagbabakuna at mas marami pang bakuna ang kinakailangang bilhin.

 

 

Sinabi rin ni Avisado na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng P2.5 bilyon na katumbas ng US$56 bilyon na kukunin sa 2021 contingency fund.

 

 

Ang pondo ay gagamitin para sa pagbili ng karagdagang 4 milyong doses ng bakuna at logistic at administrative cost.

 

 

Tiniyak ni Avisado na ang bakuna ay maide-deliver ngayong buwan.

 

 

Ang contingency fund ngayong 2021 ay P13 bilyon na maaari lang gamitin kapag ina­prubahan ng Pangulo, wika niya. (Daris Jose)

Other News
  • BI personnel, ipinag-utos nang tuluyang sibakin at kasuhan dahil sa pagtakas ng puganteng Korean

    IPINAG-UTOS ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Viado ang agarang pagsibak sa empleyado na isinasangkot sa pagtakas ng high profile na puganteng Korean, base sa bagong nakuhang footage sa CCTV at testimonya na mga ebidensiya na nakuha ng ahensiya.   Ang kasong criminal ay naisampa na sa Department of Justice (DOJ). “This footage is damning […]

  • Budget cut sa PGH, inalmahan

    PINALAGAN ng unyon ng mga manggagawa ng Philippine General Hospital (PGH) ang pinababang panukalang pondo para sa pagamutan sa 2023 na tinawag nilang hindi katanggap-tanggap at nakakabahala.     “Una sa lahat ang ­unang maapektuhan po ng budget cut sa PGH ay ‘yung serbisyo na ­ibinibigay namin sa mga pasyente,”  ayon kay ALL UP Workers […]

  • PBA governors’ cup dedesisyunan sa susunod na linggo

    MALALAMAN sa susunod na linggo ang desisyon ng PBA Board para sa natenggang 2021-2022 Governors’ Cup sa gitna ng paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa dahil sa Omicron variant.     Nagpasya ang PBA Board na suspindehin ang mga laro ng nasabing import-reinforced conference nang sumirit ang mga COVID-19 cases sa […]