P850K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA MAYNILA, 4 NA TULAK, ARESTADO
- Published on July 6, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG P850,00 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa apat na hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Intramuros, Manila Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ang mga naaresto na suspek na si Victorino San Joaquin y Dimacali, alias Boss, 54, ng 584-63 San Andres St. Brgy. 704, Malate, Manila dahil sa paglabag sa Section 5 (Selling, Distribution and Transportation Dangerous Drugs) at paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165; Alvin Santos y Atencio, 36, isang construction worker ng 24 Oscaris St. Brgy. 384, Quiapo, Manila dahil sa paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165; Jenelyn Mendoza y Villanueva, 43 ng 24 Oscaris St. Brgy. 384, Quiapo, Manila dahil sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165 at Tha Lumabao y Lingga, 40 ng 24 Oscaris St. Brgy. 384, Quiapo, Manila dahil sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165.
Sa ulat ni Police Corporal Asnor D Hamdag ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station , dakong alas-12:15 kahapon ng madaling araw nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Ermita Police Station sa. A Soriano St., malapit na panulukan ng Bonifacio Dr. Brgy.655, Intramuros, Manila.na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakuha sa mga suspek ang tinatayang 125,00 gramo ng shabu na may street value na P850,000. GENE ADSUARA
-
Robredo camp nakahanda sa mas marami pang ‘dirty tricks’ ng kalaban
INAASAHANG mas darami pa ang “dirty tricks” at propaganda ng mga katunggaling partido kaya nakahanda ang kampo nina Vice President Leni Robredo at running mate na si Senador Francis “Kiko”Pangilinan. “Nararamdaman na ng mga kalaban ang init kaya sagad-sagarin na ang kanilang maduming propaganda para hadlangan ang pag-usad ng kampanyang Leni-Kiko,” ani senatorial […]
-
Stephen King’s Praise for ‘Terrifier 2’ Receives Response from Director Damien Leone
Terrifier 2 director Damien Leone responds to Stephen King’s high praise for the bloody horror sequel. Leone’s latest installment in his Terrifier franchise released in select theaters on October 6. David Howard Thornton returns as Art the Clown, starring alongside Lauren LaVera, Elliott Fullam, Sarah Voigt, Kailey Hyman, and Samantha Scaffidi, who is also reprising her role of Vicky […]
-
Malolos-Clark railway naantaladahilsa payment issues
NABIGONG magbayad ang pamahalaan sa tamang oras sa isang contractor ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) kung kaya’t naantala ang construction works. Maantala ng isang taon na dapat ay sa 2024 na siyang targeted completion ng nasabing imprastruktura. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay naharap […]