P900 milyong puslit na sigarilyo, iba pang goods, nadiskubre sa inspeksiyon ng BOC
- Published on June 1, 2023
- by @peoplesbalita
UMAABOT sa P900 milyong halaga ng mga puslit na imported na sigarilyo at iba pang general merchandise, ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isinagawang pag-iinspeksiyon ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Plaridel, Bulacan noong Biyernes.
Sa isinasagawang quick inventory sa mga goods na mula sa China, ay natuklasang nagkakahalaga ang mga illicit cigarettes ng hanggang P50 milyon.
Habang nadiskubre rin ang iba pang general merchandise, na kinabibilangan ng mga including intellectual property rights (IPR) infringing goods na daang milyon din ang halaga.
Nag-ugat ang operasyon matapos na maglabas si Customs Commissioner Bien Rubio ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO), na kaagad namang inimplementa ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Enforcement and Security Service (ESS), at ng Philippine Coast Guard (PCG). “The team inspected the warehouses and found to contain imported illicit cigarettes, and other imported general merchandise, housewares, kitchenwares, and IPR-infringing goods,” ani Rubio.
Idinagdag pa niya na ang approximate value ng mga goods na nadiskubre sa bodega ay humigit kumulang sa P900 milyon.
Ayon kay CIIS-MICP chief Alvin Enciso, na siyang nanguna sa naturang operasyon na “our team showed the LOA to the warehouse representatives and they proceeded with the inspection after it was acknowledged.”
Pinuri naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy ang operasyon at sinabing hindi ito magiging posible kung wala ang maayos na kooperasyon mula sa mga respective government agencies.
Nabatid na ang mga may-ari ng mga goods ay pagpiprisintahin ng Customs authorities ng mga importation documents o proof of payment. (Daris Jose)
-
KIM at JERALD, manggugulat sa kakaiba at daring roles sa bagong pelikula; hataw pa rin kahit nasa gitna ng pandemya
KAHIT may pandemya, hindi talaga mapipigilan ang paghataw ng #KimJe, dahil ang real-life couple na si Kim Molina at Jerald Napoles ay muling magtatambal sa kanilang pangalawang pelikula ngayong taon, ang Ikaw At Ako At Ang Ending na hatid ng Viva Films. Mula sa kanilang unang successful na team up sa pelikulang Ang […]
-
Ayuda sa Abril 6 masisimulang maibigay – DILG
Sa Martes, Abril 6, o sa Miyerkules, Abril 7, pa maaaring matanggap ng mga residente sa National Capital Region (NCR) Plus areas ang ayuda mula sa pamahalaan. Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, maaring bukas pa kasi maibababa ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga […]
-
Coast Guards ng Southeast Asia nagsanib, karagatan babantayan
NAGSANIB-puwersa ang mga coast guards ng iba’t ibang bansa sa Southeast Asia upang protektahan ang seguridad at labanan ang mga iligal na aktibidad sa karagatan ng rehiyon. Ito ay nang lumahok ang Philippine Coast Guard sa ASEAN Coast Guard and Maritime Law Enforcement Agencies Meeting kasama ang mga coast guards ng Cambodia, Indonesia, […]