• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P921 M Chinese deal ng PNR di na tuloy

Hindi na itutuloy ng Philippine National Railway ang Chinese deal na nagkakahalaga ng P921 M para sa pagbili ng gauge diesel multiple unit (DMU) trains na gagamitin sa Bicol line.

 

 

 

Ayon kay PNR general manager Junn Magno, ang kontrata na ibinigay sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd na siyang nanalo sa naunang bidding ay kanilang isasailalim sa panibagong bidding.

 

 

 

“The PNR board, which is the head of procuring entity, has decided to cancel the contract. We are in cancellation proceedings with CRRC and we will rebid the project,” paglilinaw ni Magno.

 

 

 

Sa kasalukuyan ang PNR ay nasa pre-procurement process na para sa rebidding ng nasabing project.

 

 

 

Matatandaan na noong December 2019 ang PNR ay lumagda sa isang kontrata kasama ang CRRC Zhuzhou para sa pagbili ng bagong standard gauge DMU trains matapos na ipahayag noong October 2019 na ang Chinese firm ang siyang nanalo sa nangyaring bidding.

 

 

 

Ang mga bagong trains na nakaschedule na dumating ngayon June ay gagamitin sa PNR South Long Haul o ang tinatawag na PNR Bicol project.

 

 

 

Subalit dahil sa ginawang annual audit ng Commission on Audit (COA) noong 2019 ay lumabas na ang P921 M na project para sa pagbili ng DMU trains ay lumabag sa procurement law sapagkat ang nasabing kumpanya ng Chinese ay hindi nagsulit ng post-qualification bidding requirements.

 

 

 

Sa ngayon ay tuloy ang field investigation at surveys at ganon din ang right-of-way acquisitions para sa PNR Bicol project.  Hinahanda na rin ang procurement ng design at build contractor.

 

 

 

Ang target na partial operation ay mangyayari sa second quarter ng susunod na taon at magkakaron naman ng full operability sa darating na 2025.

 

 

 

Mayron itong 639 kilometers long-haul line na kung matatapos ay makakabawas ng travel time mula Manila hanggang Bicol.  Kung ang travel time sa kotse ay 12 hours, sa train naman ay magiging 6 hours na lamang mula Manila papuntang Bicol.  (LASACMAR)

Other News
  • Zamboangueña teen weightlifter nasungkit ang 2 gold, 1 silver sa World Youth Weightlifting Championship sa Mexico

    NASUNGKIT ng Zamboangueña teen weightlifter na si Rose Jean Ramos ang 2 gold at 1 silver medal sa isinagawang World Youth Weightlifting Championship 2022 na ginanap sa bansang Mexico.     Si Rose Jean ay 16 years old at residente ng Barangay Mampang sa Zamboanga City.     Ang World Youth Weightlifting Championship ay isang […]

  • Nagulat na nag-viral at dedma na lang sa bashers: MARK, ‘di ikinahihiya ang pagsasayaw sa isang gay bar

    SA Instagram post ng kapamilyang aktres na si Kim Chiu ay isini share niya sa mga netizen kung paano niya ipinagdiwang ang 2025 Chinese New Year. Kasama ni Kim ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Isiniwalat ni Kim na lumaki siya na kung saan ang Chinese New Year ay palaging isang malaking selebrasyon […]

  • Pacquiao kay Magsayo ; ‘Welcome to the Club’

    NANGUNA si dating Filipino boxing champion at ngayon ay Senator Manny Pacquiao sa mga bumati kay WBC world featherweight champion Mark ‘Magnifico’ Magsayo.     Sa kanyang social media account, binati nito ang 26-anyos na si Magsayo at sinabing “Welcome to the Club”.     Dagdag pa ng senador na labis na ipinagmamalaki ng bansa […]