• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P9M talent fee ni Yorme Isko, ibinili ng tablets ng UDM students

IPINAMBILI ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng tablets para sa mga estudyante ng Unibersidad de Manila (UDM) ang aabot sa may P9 milyon talent fee buhat sa pagmo-modelo.

 

Ayon sa alkalde , ibinigay nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ang mga tablet bilang donasyon kay Malou Tiquia, president ng UDM, kasabay ng panawagan sa mga mag-aaral na gamitin ito ng husto at tama.

 

Sinabi ni Moreno na maging siya ay produkto rin ng kahirapan at public school kaya batid niya ang hirap ng isang mahirap na estudyante na hindi alam kung makakakain siya ng tatlong beses isang araw.

 

Nauna nang bumili ng may P200 milyon mga tablet at laptop ang lokal na pamahalaan ng Maynila para ipamigay sa elementarya at high school at mga guro bilang paghahanda sa blended learning ngayon nalalapit na pasukan sa Oktubre 5. (Gene Adsuara)

Other News
  • Isinusulong pa rin ang responsible pet ownership: CARLA, nais isabatas na ipagbawal ang animal cruelty sa set

    WINNER ang nais ni Carla Abellana na mabigyan ng proteksyon ang mga hayop na napapanood o na gumaganap sa mga teleserye at pelikula.     Katuwang ni Carla sa adbokasiya ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), na nagnanais na isabatas na ipagbawal ang animal cruelty sa set, at hindi rin dapat ginagamit bilang props ang […]

  • Here for Teenage Mothers: Organon joins the San Fernando Pampanga’s Buntis Summit 2023

    In the Philippines, women’s health has become a pressing issue in more ways than one, with teenage pregnancy leading the list of primary concerns. With Executive Order 141 signed in 2021, the prevention of teenage pregnancy has become a national priority. This has become the foundation for the National Safe Motherhood Program by the Department […]

  • SIM Card Registration Act lusot na sa Kamara

    Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang mandatory registration ng mga SIM cards.     Ito ay kasunod na rin ng mga napabalitang paglipana ng spam messages kamakailan na nag-aalok ng trabaho kapalit ng mataas na sahod, na ayon sa National Privacy Commission (NPC) ay mula sa global o international syndicates. […]