Pa-bingo ng Pagcor, paldo ang papremyo
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
GRABE!
Sangkatutak ang papremyo ang nakaabang sa ‘P1K for P1M’ PAGCOR-wide linked bingo game sa darating na Pebrero 22 sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel sa Ermita, Maynila.
Kasunod ito nang matagumpay na first phase nitong Enero 25, ito naman ang ikalawang pagkakataon para sa mga bingo player na gustong tumaya. Sa halagang P1,000 lang na ticket entry, makakapaglaro na ng 10 beses.
Sa buong 1-9 games maaaring mag-uwi ng P100,000 habang sa grand prize sa final round ay tumataginting na P1M.
Sa mga interesadong makilahok maaaring magsadya lang sa CF Manila Bay o sa kahit anong Casino Filipino branch na mga sumusunod: Angeles City, Bacolod City, Carmona-Cavite, Cebu City, Davao City, Ilocos Norte, Iloilo City, Mactan City, Malabon City, Olongapo City, Parkmall-Cebu, Ronquillo-Manila, Tagaytay City at Talisay City.
May kasunod pa ito sa Marso 28, Abril 18, Mayo 23, Hunyo 13, Hulyo 18, Agosto 22, Septyembre 26, Oktubre 17, Nobyembre 14 at Disyembre 19.
Bisitahin lang ang www.pagcor.ph at www.casinofilipino.ph kung may iba pang mga katanungan, puwede ring tumawag sa PAGCOR Department sa mga numerong 7755-3699 pocals 7201 to 7204. (REC)
-
Heat at Spoelstra suportado ng mga Pinoy fans laban sa Celtics
BUHOS ang suporta ng mga Pinoy fans para kay Filipino-American head coach Erik Spoelstra na siyang humahawak sa Miami Heat. Sasalang sa isang ‘rubber match’ ang Heat at ang Boston Celtics sa Game Seven ng Eastern Conference championship series kung saan ang mananalo sa dalawang koponan ang papasok sa NBA Finals. […]
-
Petecio, Diaz major awardees ng SMC-PSA
BOXING world champion at Olympic silver medalist ang mangunguna sa gagawaran ng major awards sa susunod na buwan sa taunang SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Sila ay sina Nesthy Petecio at Hidilyn Diaz na kabilang sa 12 personaheng major awardees mula sa pinakamatagal na media organization sa […]
-
DOLE maglalaan ng P1-B tulong pinansyal para sa mga manggagawang apektado ng COVID restrictions
NAGLAAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P1 bilyon para sa mga manggagawang apektado ng mas mahigpit na hakbang na ipinatupad, lalo na sa Metro Manila, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, mamamahagi ng limang libong pisong tulong pinansyal […]