PAALALA SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang simbahan at mga residente hinggil sa pagdiriwang ng Kapistahan naman ng Poong Sto. Nino de Tondo.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipagbabawal muna ang anumang aktibidad na gagawin sa labas ng Sto. Nino de Tondo Parish .
Papayagan naman ang pagsasagawa ng mga misa basta’t masusunod ang itinatakdang seating capacity na 30%.
Ngunit ang mga prusisyon o parada at kahalintulad na aktibidad na ginagawa sa kalye ay hindi papayagan.
Ayon kay Isko, kailangang mag-adopt ang mga tao sa “new normal” sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.
Sinabi ng alkalde na dapat makinig ang mga residente tulad ng nangyari sa Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno.
Nagpapasalamat naman ang alkalde sa mga nakibahagi sa Pista ng Nazareno dahil karamihan ay sumunod at nakipagtulungan kaya nairaos ng maayos ang okasyon.
Sa abiso naman ng Archdiocesan Shrine of Santo Nino, ang mga misa kaugnay sa pista ay gagawin sa:
– January 16 – 3:00 ng hapon; 5:00 ng hapon at 7:00 ng gabi
– January 17 – 4:00 ng umaga; 6:00 ng umaga; 8:00 ng umaga; at 10:00 ng umaga. At 12:00 ng tanghali; 3:00 ng hapon; 5:00 ng hapon at 7:00 ng gabi. (GENE ADSUARA)
-
PDu30, atras sa pagtakbo bilang bise-presidente kapag tumakbo si Mayor Sara sa Eleksyon 2022
KINUMPIRMA at nagbigay linaw ang Malakanyang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People kagabi na kung tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte ay hindi siya tatakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022. “Lilinawin ko lang po na kagabi nagsalita ang presidente ang sabi niya kung tatakbo si […]
-
‘Di kayang pagsabayin ang showbiz career at lovelife: MARCO, sobrang ka-close si JAKE kaya ‘di liligawan si KYLIE
PRODUCER na rin ang actress na si Lovi Poe ng sarili niyang kumpanya. At ang maganda pa, hindi lang pang-local ang market niya, pang-international din. Gusto raw niyang ituloy ang legacy ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., ang dating Hari ng Pelikulang Filipino na may FPJ Films. This time, […]
-
TRB: RFID 3-strike policy tuloy na sa May 15
Sisimulan nang ipatupad ng Toll Regulatory Board ang 3-strike policy kung saan pagmumultahin ang mga motorista na gumamit ng tollways’ cashless lanes kahit na kulang ang load. Ayon sa mahigpit na regulasyon ng TRB, ang mga lalabag sa policy ay bibigyan ng warning sa una at ikalawang offenses. Sa ikaltlong offense naman ay […]