• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pabilisin ang national ID system, mandato ni PDu30

MANDATO talaga  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pabilisin ang national ID system sa bansa.

 

Nais kasi ng Pangulo na tuluyan nang mawala ang panloloko at pandaraya ng ilang tiwaling opisyal makapagbulsa lamang ng pera mula sa kaban ng bayan.

 

“Dahil nakita natin na iyong pagdi-distribute ng ayuda ay hindi sana na-delay kung mayroon na tayong national ID system,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“In the same way, magagamit din po iyang national ID system para maiwasan iyong fraud diyan sa PhilHealth kasi at least malalaman natin kung buhay o patay iyong isang nagki-claim ng benefit,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, plano ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magsagawa ng pre-registration sa national identification system sa Oktubre.

 

Ayon kay NEDA chief Karl Chua, unang target muna nilang mairehistro ang nasa 5 milyong mga Filipino.

 

Aminado ito na isang malaking hamon ngayon ang COVID-19 pandemic.

 

Isasagawa muna nila ang pre-registration para pagdating ng registration ay hindi na sila mahihirapan pa.

 

Sa 2021 budget ay mayroong inilaan na P4.1 billion para sa implementasyon ng national ID system sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • SYLVIA, wagi na naman ng Best Actress sa ‘Star Awards for TV’ dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Pamilya Ko’

    WAGI na naman si Sylvia Sanchez dahil sila ni JM de Guzman ang top winners sa katatapos lang na PMPC’s Star Awards for TV.     Tinanghal na Best Drama Actor si JM at Best Drama Actress si Sylvia dahil sa napakahusay nilang pagganap sa Pamilya Ko na nag-uwi naman ng Best Primetime TV Series.   […]

  • Mga atleta na nagwagi sa Tokyo Olympics nakuha na ang mga cash incentives

    PINARANGALAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Filipino na lumahok sa 2020 Tokyo Olympic Games.   Binati ng Pangulo sina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial para sa pagdadala ng karangalan sa bansa at iangat ang diwa ng mga Filipino sa gitna ng coronavirus pandemic.   “Your hard work, dedication […]

  • Stick to the rule of law, iwasan ang karahasan sa Eleksyon 2022

    NANANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na manatili lamang sa “rule of law” at iwasan ang karahasan sa 2022 national elections.   Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte, matapos niyang pangunahan ang pagpapasinaya sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan town, ay sinabi nito na nais niya ang mapayapang eleksyon sa susunod na […]