• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paborito nila ang ‘Totoy Bato’ na TV series na: CJ at PEACH, nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng ama na si Direk CARLO

KALAKASAN pa noon ng namayapang si Direk Carlo J. Caparas ay nakipag-collab na ito kay Boss Vic del Rosario.
Ibinilin na rin niya ang mga anak niyang sina CJ at Peach na sila ang mamahala ng sa mga nasulat at idinirek na pelikula ng ng kanilang ama under Golden Lion Films International.
“Lahat po ng naibilin sa akin (ng tatay niya) ay naibilin na rin sa mga may hawak ng plans which is we have been set to do this side by side with Viva ever since 2018, so, hindi lang po ako ang nagma-manage kundi kasama ko rin po si boss Vic, collab po with Caparas maliban po sa Panday at lahat po ay tie-up naming sa Viva,” kuwento ni Peach sa nakaraang mediacon ng ‘Totoy Bato’ na papalit sa ‘Lumuhod ka sa Lupa’.
Dagdag pa ang mga super-heroes sa Caparas verse ay collaboration na rin ng Viva simula rin noong 2018 at nakalatag na raw ang mga susunod na proyekto.
Dalawa raw ang ka-collab ng Caparas kids bukod sa Viva ay kasama rin si Senator Bong Revilla, Jr na siyang nakakuha ng ‘Panday’ at nakalatag na rind aw ito dahil maraming bersyon itong gagawin.
Aminado namang nagluluksa pa ang magkapatid dahil sa pagkamatay ni Direk Carlo at mag-iisang taon palang ito sa Mayo 25.
“We’re still grieving not just me, kundi buong Pilipinas still grieving a legend, so, ang binilin po ng daddy naming ay sundan ang lahat ng plano na inilatag namin together,” sey ni Peach.
Inaming maraming bilin si direk Carlo sa mga anak pero hindi na binanggit ng bunsong anak ang puwede lang niyang i-share ay, “ipinapaalala niya sa akin kung saan ako dapat mag-ingat (binanggit ng nag-interview kung sino ang pagkatiwalaan), puwede, Pinoy Henyo tayo puwede, ha, ha, ha.”
At tungkol naman sa ‘mana’ thing ay hindi diretsong sinagot ni Peach kung ano ang iniwan sa kanila ng ama pero nabanggit niya na legendary ang ama, kaya legendary rin ang mga naiwan nito at para sa future ng nilang magkapatid.
Sa rami ng projects ni direk Carlo ay isa ang ‘Totoy Bato’ sa paboritong proyekto ni Peach.
“Sobrang ganda ng Totoy Bato when I watched it kasi po tungkol na ito sa nakita n’yo naman kung paano lumaki si Toto Bato, sobrang malupit sa kanya ang tatay niya kaya bale naging pusong bato na rin po siya.
“Saka 1976 palang, napu-push na ni daddy ang culture ng generational gaps and trying to bridge those gaps and ano ang mga trauma na nai-impart ng mga magulang natin at paano natin mai-impart sa mga anak natin, 1976, so, Totoy Bato is close to my heart, very close to my heart,” pahayag ni Peach.
Mapapanood na ang ‘Totoy Bato’ na pinagbibidahan ni Kiko Estrada, simula ngayong gabi (7:15 p.m.), Lunes hanggang Biyernes, sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5 pagkatapos ng ‘Frontline Pilipinas.’
 
(REGGEE BONOAN)
Other News
  • Utos ni PBBM: LET’S PREPARE FOR THE NEXT FLOOD

    NGAYON pa lamang ay ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa national at local governments na paghandaan na ang susunod na pagbaha habang ang bansa ay nahaharap sa La Niña phenomenon.       “Let’s prepare for the next flood. This is the first typhoon sa La Niña. Mahaba pa ‘to. So, we […]

  • Malakanyang, nakiramay sa pagpanaw ng beteranong broadcaster at dating press secretary na si Dong Puno

    NAGPAABOT ng pakikidalamhati at pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, at kasamahan sa trabaho ni dating Press Secretary Ricardo “Dong” Puno, Jr., na pumanaw, February 15, sa edad na 76.     “A lawyer by profession, Sec. Puno was a respected member of the media prior to and after serving under the administration of former […]

  • OVP naglunsad ng libreng job platform para sa mga unemployed dahil sa pandemic

    Dahil sa epektong idinulot ng COVID-19 pandemic sa sektor ng manggagawa, naglunsad ang Office of the Vice President (OVP) ng libreng online platform para sa mga naghahanap ng bagong hanapbuhay at oportunidad.   Target ng BAYANIHANAPBUHAY initiative na tulungan ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho mula nang pumutok ang krisis ng coronavirus sa bansa.   […]