Pabrika na nagpasahod ng mga barya sa trabahador sa Valenzuela, sinuspinde
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang operasyon ng Nexgreen Enterprise na nagpasuweldo ng baryang lima at sampung sentimo sa kanilang trabahador.
Ito’y matapos umamin sa unfair labor practices nang ipatawag ni Mayor Rex Gatchalian ang pamunuan ng kumpanya upang pag-usapan ang reklamo ng kanilang dating empleyado na nag-viral sa social media.
Ani Gatchalian, agad nilang ipadadala ang notice of suspension sa Nexgreen at patuloy na makikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Sa reklmo ni Russel Mañosa, ibinigay ng Nexgreen Enterprise ang dalawang araw niyang sweldo na puro tig-5 at 10 sentimong barya na nagkakahalaga ng P1,056.
Sinabi ni Gatchalian, may circular ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nakasaad na kapag sentimos ang ibabayad ay hanggang P100 lang ang pinakamalaking pwedeng abutin at kapag P1 naman ay hanggang 1,000 lamang ang limitasyon.
Wala rin umanong coverage ang mga empleyado sa Social Security System, Pag-Ibig at PhilHealth ngunit ayon sa kumpanya ay covered naman ang kanilang empleyado ngunit hindi umano nila nadala ang patunay na mga dokumento.
Ayon sa alkalde, posibleng hindi lamang si Mañosa ang dumanas ng pang-aapi sa Nexgreen, na pinatotohanan ni Mañosa na naging dahilan din umano ng pag-alis ng ibang mga empleyado at sinusugan pa ng isang dating empleyado na kasama ni Mañosa na nagsabing bigla na lamang siyang sinisante.
Humingi ng dispensa ang kumpanya sa kanilang mga pagkakamali na tinanggap naman ni Mañosa ngunit sinabing ‘wag sanang maapi ang mga empleyado.
Binigyang-diin ni Gatchalian na ang mga manggagawa ang bumubuhay sa ekonomiya ng Valenzuela.
“There is a pattern of not treating your workers properly. Tingin mo yata sa kanila singko sentimos lang e. Mga tao ‘yan, may pamilya yan,” ani Gatchalian.
Binigyan ng 15 days ang kumpanya upang matugunan ang lahat ng concerns ng kanilang mga empleyado, kabilang si Mañoza. (Richard Mesa)
-
Kapuso stars, wagi sa RAWR Awards 2020!
Winner ang ilang Kapuso stars sa RAWR Awards 2020 ng entertainment website na LionhearTV.net na ginanap nitong Sabado ng gabi. Kinilala bilang ‘Actor of the Year’ ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at si Maine Mendoza naman para sa ‘Actress of the Year.’ Dahil sa epektibong pagganap ng ‘Prima Donnas’ star […]
-
Sinner pasok na sa finals ng US Open
Pasok na sa finals ng US Open si Jannik Sinner matapos talunin si Jack Draper. Naging matindi ang labanan ng dalawa kung saan nakuha ng top-ranked tennis star na si Sinner ang score na 7-5, 7-6 (3), 6-2 . Ang 23-anyos na Italian tennis star ay hindi na pinatawan ng parusa […]
-
Discover the stellar voice cast and iconic characters in the first-ever fully CG-animated Transformers movie, “Transformers One.”
“This was a lot of fun,” says Chris Hemsworth in the newly released “Cast Featurette” for Transformers One. Hemsworth, who lends his voice to Orion Pax, headlines the star-studded cast in the first-ever fully CG-animated Transformers movie. As the untold origin story of the legendary Optimus Prime and Megatron, Transformers One […]