• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao bumanat kay Cusi

Sa halip na pulitika, dapat atupagin muna ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang problema sa nararanasang brownout sa bansa.

 

 

Sa privilege speech ni Sen. Manny Pacquiao, tinuligsa niya si Cusi dahil sa isang hearing ay nangako ang kalihim sa mga senador na hindi mangyayari ang brownout  ngayong tag-init subalit ito na umano ang nagyayari ngayon.

 

 

Delikado anya ang pag-iimbak sa mga COVID-19 vaccines at apektado ang pag-aaral ng mga estudyante at mga nagtatrabaho at business sa online.

 

 

At dahil miyembro ng PDP-Laban si Cusi ay tiyak na masisisi pati silang mga kapartido nito at maging si Pangulong Duterte.

 

 

Si Pacquiao at Cusi ay may hidwaan matapos magpatawag ang kalihim ng national council meeting ng PDP-Laban kahit tutol ang senador na presidente ng partido.

 

 

Iginiit ni Pacquiao na dapat magkaroon ng accountability si Cusi sa taumbayan dahil sa nararanasang brownout ngayon sa kamaynilaan.

 

 

Samantala, sinabi naman ni PDP-Laban vice president for external affairs Raul Lambino na maaaring maparusahan si Pacquiao dahil sa kanyang aksyon na ang tinutukoy ay ang pagtatalaga ng senador kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves bilang secretary general ng partido.

 

 

Iginiit ni Lambino na kilalang kaalyado ni Cusi na walang kapangyarihan si Pacquiao na gawin ito sa ilalim ng konstitusyon ng PDP-Laban.  (Daris Jose)

Other News
  • Teves, may kondisyon pa sa pag-uwi

    NAGSUMITE ng ilang kundisyon ang kampo ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Kamara para bumalik siya ng Pilipinas.     Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, hindi naman mahihirap ang mga kundisyong inilatag nila kay Speaker Martin Romualdez na para lamang sa seguridad ni Teves. Tumanggi naman siyang tukuyin ang […]

  • Pacquiao No. 4 sa GOAT list

    Pasok si Manny Pacquiao sa Top 25 Grea­test Boxers of All Time ng isang online site dahil sa tagumpay na nakamit nito at sa kontribusyon nito sa mundo ng boksing.     Inokupahan ni Pacquiao ang ikaapat na puwesto sa ilalim ng nangunang sina No. 1 Muhammad Ali, No. 2 Sugar Ray Robinson at No. […]

  • TOM, suot-suot pa rin ang wedding ring nila ni CARLA; posibleng maayos pa ang gusot

    NAG-COMMENT agad ang ilang netizens nang may Instagram post  ang All-Out Sundays last Saturday evening na live ang Sunday noontime show kahapon at isa sa magpi-perform ay si Kapuso actor Tom Rodriguez, kasama ang iba pang artists ng GMA Network.     Comment ni @reggie.angeles, “Paano sila hiwalay suot pa rin ni Tom ang wedding […]