Pacquiao bumubuo na ng game plan kontra Ugas
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
Bumubuo na ng bagong game plan ang kampo ni People’s Champion Manny Pacquiao para sa laban nito kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas.
Nabago ang kalaban ni Pacquiao matapos matuklasang may eye injury si World Boxing Council at International Boxing Federation titlist Errol Spence Jr. sa prefight medical examination.
Sumailalim agad sa eye surgery si Spence kahapon sa Amerika.
Dahil sa mga pagbabago, gumagawa na rin ng solidong plano ang Team Pacquiao para kay Ugas kabilang na ang panonood sa mga nakalipas na laban nito.
Magtutuos sina Pacquiao at Ugas sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) kaya’t may halos dalawang linggo pa ang tropa ng Pinoy champ para makabuo ng game plan.
Isa na rito ang pagpapalit ng sparring partners. Kaliwete ang mga naunang sparring partners ni Pacquiao dahil kaliwete si Spence.
Sumalang agad si Pacquiao sa walong rounds ng sparring sessions kaharap ang tatlong right-handed boxers.
Sa mahigit dalawang dekada sa boxing, sanay na si Pacquiao sa mga ganitong uri ng biglaang pagbabago kaya’t hindi na mahirap para sa kanya ang adjustments.
Hindi ganun kaningning ang pangalan ni Ugas kumpara kay Spence subalit walang balak magpakampante si Pacquiao.
At handa itong bigyan ng magandang palabas ang mga boxing fans.
-
Ads November 5, 2021
-
Mga POGO hubs, gawing students’ dorms
ISINUWESTIYON ni House Deputy Majority Leader Janette Garin na gamitin ang mga na-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) hubs bilang dormitories para sa mga estudyante. Sa isinagawang plenary deliberations para sa 2025 General Approriations Bill (GAB) nitong Miyerkules, inihayag ni Garin na isa sa kinakaharap na problema ng mg dormitoryo o paupahang kuwarto. […]
-
MAHIGIT 100 TOLONGGES NA MTPB TRAFFIC ENFORCER SA MAYNILA, NASIBAK
BILANG bahagi ng ipinatupad na “one strike policy” sinampolan ang isang traffic enforcer na nag-viral sa social media matapos itong sibakin dahil sa pauli-ulit na kasong mi-apprehension. Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, Efren Fria ay sinibak makaraang dumulog sa tanggapan ng MTPB ang motorista na kanyang tiniketan na kinilalang si Miguel Vistan. […]