Pacquiao ensayo agad sa Vegas
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
Walang tigil sa ensayo si People’s Champion Manny Pacquiao na sumalang agad sa magagaan na workout nang dumating ito sa Las Vegas, Nevada.
Nasa Las Vegas na ang Pinoy champion para sa laban nito kay Yordenis Ugas sa Linggo (oras sa Maynila).
May apat na oras na land travel din ang biniyahe ni Pacquiao mula Los Angeles, California patungong Las Vegas, Nevada sakay ng kanyang itim na Mitsubishi SUV.
Kasama ni Pacquiao sa sasakyan ang kanyang pamilya.
Ngunit walang pahi-pahinga para sa Pinoy champion dahil sumailalim agad ito sa ilang workout para pagpagin ang ilang oras na pagkakaupo sa sasakyan.
Tapos na ang mabibigat na workout ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.
Sa katunayan, bago umalis ng Los Angeles, sumailalim pa si Pacquiao sa ilang sparring sessions.
Bantay-sarado rin ang diet ni Pacquiao para masiguro na nasa tamang timbang ito bago ang official weigh-in sa Sabado (oras sa Maynila).
Ipinalit na kalaban ni Pacquiao si Ugas na kasalukuyang nagmamay-ari ng World Boxing Association (WBA) welterweight belt.
-
Bong Go, hinikayat ang publiko na magpabakuna
HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga Filipino na maging katulad ng mga NBA fans at magpabakuna laban sa COVID-19 kung gustong makalabas ng pamamahay. “Magpabakuna po kayo kung gusto niyong makalabas ng pamamahay ninyo,” ayon kay Go sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi. “Sa […]
-
PBBM, umaasa na matitigil na ang 4Ps dahil sa food stamp program
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matutuldukan na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa food stamp program. “Sana. Ibig sabihin kasi pag kaya na natin itigil ‘yan, sasabihin natin ibig sabihin wala ng nangangailangan. Maganda talaga kung maabot natin ‘yun. Pero kahit papano kung minsan tinatamaan halimbawa ng bagyo, tinatamaan ng peste, […]
-
PBBM, nalungkot sa pagpanaw ni Sec. Toots Ople
LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople nitong Martes, Agosto 22. “It’s a very, very sad news. I have lost a friend. The Philippines has lost a friend,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam. “Ang galing-galing ni […]