Pacquiao gumastos P119-M noong nakaraang halalan, P60-M mula sa sariling bulsa —SOCE
- Published on June 10, 2022
- by @peoplesbalita
HUMABOL din si Senator Manny Pacquiao sa kanyang pagsusumite nitong araw ng Miyerkules sa Comelec ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) noong nakalipas na halalan.
Idineklara ni Pacquiao na tumakbo sa pagkapresidente, na umaabot sa P119 million ang kanyang ginastos sa pangangampanya kung saan nasa P62 million dito ay mula raw mismo sa kanyang sariling pera.
Sa kabuuang P119,128,914.14 total campaign expenditures ang nasa P62,677,926.12 ay mula umano sa kanyang personal funds.
Habang nakatanggap naman daw si Pacquiao ng P7,750,000 na cash contributions at nasa katumbas na P48,700,988.02 na in-kind contributions.
Kung maalala isa si Pacquiao at si Senator Cynthia Villar sa mga bilyonaryong senador kung pagbabatayan ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).
-
MMDA, magsasagawa ng dry run ng expanded number coding scheme isang linggo bago ang F2F classes sa NCR
NAKATAKDANG magsagawa ng dry run sa expanded number coding scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw. Ito ay bilang bahagi pa rin paghahanda ng kagawaran sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa bansa para sa school year 2022-2023 sa susunod na linggo. Ayon kay MMDA Task Force Special Operations […]
-
Ads February 18, 2023
-
Gaya ng ginawa sa ‘Miss Grand Philippines 2023’: HERLENE, gagamit uli ng interpreter sa ‘Miss World Tourism’ sa London
KINUMPIRMA ni Herlene Budol na muli siyang gagamit ng interpreter sa Miss World Tourism sa London, gaya ng ginawa niya sa katatapos lang na Miss Grand Philippines 2023. Ginulat ng bida ng ‘Magandang Dilag’ ang lahat nang gumamit siya ng interpreter sa Q&A portion. “Oo. Dito nga po sa […]