Pacquiao kakasuhan ang dating malapit na kaibigan dahil daw sa pag-imbento ng mga kuwento
- Published on October 22, 2021
- by @peoplesbalita
Sasampahan ng kampo ni Senator Manny Pacquiao ng kasong cyber libel at estafa and dating kaibigan nito na si Jayke Joson dahi sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Ayon sa legal counsel ng senador na si Atty. Nikki de Vega na inihahanda na nila ang kaso laban kay Joson.
Dagdag pa ni de Vega na hindi nagustuhan ni Pacquiao ang pagpapakalat ng mga maling balita at impormasyon ni Joson.
Base kasi sa alegasyon ni Joson na humiling si Pacquiao ng P165 milyon sa Paradigm Sports para ma-formalize na ang paghaharap nito noon kay Conor McGregor.
Hindi natuloy ang nasabing laban kaya nagsampa ng kaso ang Paradigm dahil mas pinili ni Pacquiao na ayusin ang laban kay Errol Spence kahit na inaayos na nila ang laban kay four-division champ Mikey Garcia.
Mariing pinabulaanan naman ng kampo ni Pacquiao ang alegasyon na ito ni Joson na tumatakbo rin sa partylist.
-
Ads September 5, 2024
-
Sa sobrang intense ng eksena nila ni Maricel: LA, nahirapang bumitaw sa role kaya dinala sa ospital
NAHIRAPANG bumitaw si LA Santos sa sobrang intense ng ‘breakdown scene’ niya kasama si Diamond Star Maricel Soriano, na naging dahilan para dalhin siya sa ospital. Hinangaan nga si LA sa naturang eksena sa ipinalisip na teaser ngĀ ‘In His Mother’s Eyes’ na produce ng 7K Entertainment. Gumaganap silang mag-ina sa pelikula, […]
-
Ads March 23, 2023
adsmar_232023