Pacquiao kontra Garcia konting kendeng na lang
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
LUMALAKAS ang alingawngaw para sa napipintong banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia ng Estados Unidos sa taong ito.
Mismong ang ama na si Henry Garcia ang atat na sagupain ng 22 taong-gulang, 5-10 ang taas at tubong California niyang anak na si Ryan ang 44-anyos, 5-6 at mula sa Kibawe, Bukidnon na Pambansang Kamao sa lalong madaling panahon.
“It’s not bizarre, it’s just two people who want to fight each other,” giit nang nakatatandang Garcia nito lang isang araw. “Ryan’s fighting a legend and Pacquiao’s fighting a rising star, so it’s not awkward at all.”
Dahil sa binawi na ang world super featherweight title ng World Boxing Association (WBA) ng Pinoy ring icon nitong Enero 27, napagkasunduan sa inisyal na usapan na itakda lang sa 10-round ang buntalan ng dalawang boksingero.
Pero kung kagatin man ng kampo ng boksingerong senador ang non-title fight, kinukunsidera rin na maging exhibition bout na lang sa kagustuhan na rin ng kanilang manok.
Huling lumaban si Pacquiao nang gapiin via split decision ang Amerikano ring si Keith Thurman noong Hulyo 2019 sa Las Vegas, Nevada. (REC)
-
‘Di magbabago ang relasyon sa TAPE at sa Dabarkads: GMA Network, nilinaw na hindi kontrolado ang nangyari sa ‘Eat Bulaga!’
NILINAW ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na hindi kontrolado ng GMA Network ang mga nangyari sa “Eat Bulaga,” na nauwi sa pag-resign nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, at iba pang hosts sa TAPE Inc. Ikinalungkot nga raw ng Kapuso network ang mga biglang naganap sa longest-running noontime […]
-
TWG binuo ng DCC subcom upang pagsama-samahin ang mga panukala sa programang “balik-probinsya”
Isang technical working group (TWG) ang binuo ng New Normal Cluster of the Defeat COVID-19 Ad-Hoc Committee (DCC) sa kamara para pagsasama-samahin ang limang panukala na naglalayong buuin ang Balik Probinsya Program. Ito ay ang House Bills 6762, 7072, at 7111 na bubuo sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa” Program; HB 6970 na naglalayong gawaran […]
-
Ads July 23, 2022