• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao kumasa sa hamon ni Pres. Duterte

Kumasa na si Senator Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kanya ang opisina ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon.

 

 

Sinabi ng senador na mismo ang pangulo ang nagsabi noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumala ang kurapsyon kaya gugugulin niya ang natitirang taon sa panunungkulan para labanan ang kurapsyon.

 

 

Inuna ng fighting senator na kuwestiyunin ang Department of Health (DOH) kung saan tinanong nito kay DOH Secretary Francisco Duque kung saan napunta ang mga perang ginagastos para sa pandmenya.

 

 

Ikinalungkot pa ng senador na bakit pa sa kurapsyon pa sila nagtatalo dahil mas kailangan ng bansa ang lider na lumalaban dito.

 

 

Magugunitang nitong Lunes ng gabi ng galit na hinamon ng Pangulo ang senador na kapwa kapartido sa PDP-Laban na ituro sa kaniya ang opisina na may nangyayaring kurapsyon.

 

 

Agad aniyang bibigyan ng pangulo ng aksyon ang opisina at sakaling walang maituro ang senator ay ikakampanya ng pangulo na huwag iboto si Pacquiao.

 

 

Manny kay Duterte: ‘Di ako sinungaling’

 

 

Samantala agad ding nagbigay ng pahayag ang Senador sa akusasyon sa kanya:

 

 “Hindi ako sinungaling”. Ito ang sagot ni Sen. Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro ang mga korap na tanggapan at opisyal ng gobyerno.

 

 

Sa pahayag ng tanggapan ni Pacquiao, tinatanggap umano niya ang hamon ng Pangulo kasabay ng pasasalamat na binigyan siya ng pagkakataon na magbigay ng mga impormasyon para sa kampanya ng administrasyon kontra korapsyon.

 

 

Subalit bwelta niya, hindi siya sinungaling.

 

 

Mawalang galang po mahal na Pangulo, nguni’t hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling,” wika ng senador.

 

 

Una namang sinilip at binusisi ni Pacquiao ang lahat ng mga binili ng Department of Health (DOH) na rapid test kits, PPE, mask at iba pa. Hinamon din niya si Sec. Francisco Duque na ipakita ang kabuuan ng ginagastos dito.

 

 

Tanong pa ng Senador saan napunta ang pera na inutang ng gobyerno para sa pandemya.

 

 

“Nakakalungkot na sa isyu ng korapsyon kami magtatalo, dahil ang kailangan ng bansa ay mga lider na magtutulungan laban dito,“ ayon pa kay Pacquiao. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Ang Dating Daan’ founder Eli Soriano pumanaw na, 73

    Pumanaw na ang Ang Dating Daan founder Bro. Eliseo “Eli” Soriano sa edad na 73.     Ito mismo ang kinumpirma ng kaniyang grupo sa pamamagitan ng paglabas ng kalatas sa social media.     Hindi naman binanggit ng grupo ang sanhi ng kamatayan ni Soriano.     Tiniyak ng grupo na ipagpapatuloy nila ang […]

  • DepEd, in- update ang mga batas at hakbang para tiyakin ang kahandaan ng mga eskuwelahan sa panahon ng kalamidad

    IN-UPDATE ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang at batas nito para palakasin ang paghahanda ng mga eskuwelahan para sa kalamidad at iba pang emergency. Binigyang diin ng departamento ang kahalagahan ng Learning and Service Continuity Plans (LSCPs) pagdating sa pagliit ng pagkagambala sa learning delivery. Sa DepEd Order No. 022, s. 2024, nakasaad […]

  • Sa upcoming serye na ‘Pulang Araw’ BARBIE, excited na sa pagganap bilang Filipina Vaudeville performer

    PROUD husband at daddy si Kuya Kim Atienza dahil sa achievement na natanggap ng kanyang wife at anak.     Sa Instagram post ng Dapat Alam Mo! host, na-share niya na nakapagtapos ang kanyang wife na si Felicia ng master’s degree in Nutrition Science, samantalang ang anak niyang lalaki na si Jose ay nakapagtapos sa Tufts University […]