• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nagpahiwatig ng posibleng pag-retiro kasunod nang pagkatalo vs Ugas

Kasunod ng kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan kahapon sa T Mobile Arena sa Las Vegas, nagpahiwatig si Manny Pacquiao na posibleng isasabit na niya ang kanyang boxing gloves makalipas ang ilang dekadang pagsabak sa itaas ng lona.

 

 

Sa kanilang post fight press conference, sinabi ni Pacquiao na maraming bagay na ang kanyang ginawa sa pagboboksing, at marami rin ang naging kapalit nito sa kanyang buhay.

 

 

Sa ngayon, pinag-iisipan na raw niya ang kanyang future sa boxing at nakikita na rin ang kanyang sarili makasama pa lalo ang kanyang pamilya.

 

 

Bagama’t talo, labis namang nagpapasalamat si Pacquiao sa kanyang mga fans na pumunta sa laban nila ni Ugas.

 

 

Nagpasalamat din siya sa suporta ng mga ito sa kanya at sa pagkakataon na maibahagi ang kanyang mga karanasan sa pagboboksing.

 

 

Magugnita na mula noong Enero 1995 ay lumalaban na si Pacquiao sa boxing bilang isang professional athlete.

 

 

Sa kanyang 72 professional bouts, kinikilala si Pacquiao sa ngayon bilang tanging eight-division world champion.

Other News
  • Ads April 20, 2021

  • City Government of Davao, nakiisa sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa namayapang si dating Pangulong Noynoy Aquino

    NAKIISA ang City Government of Davao sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa ikapapayapa ng kaluluwa ni dating Pangulong Benigno Aquino III.   Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang watawat ng Pilipinas sa buong Davao City ay hahayaang liparin ng half-mast hanggang sa mailibing si Aquino.   “The City Government of […]

  • MVP nag-donate ng vaccine para sa national athletes

    Nagbigay ang MVP Sports Foundation (MVPSF) ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan ng 500 booster shots ng Moderna anti-COVID-19 vaccine para sa mga miyembro ng Team Philippines na sasalang sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.     Ito ay para sa proteksyon ng mga national athletes laban sa COVID-19 […]