• April 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao No. 3 sa Top 10 Richest Boxer

Muling napasama si Manny Pacquiao sa lista­han ng pinakama­ya­yamang boksingero sa mundo.

 

 

Retirado na si Pacquiao sa boxing at nakasentro ang atensiyon nito sa buhay pulitika sa kasalukuyan.

 

 

Matatandaang bilyon ang kinita ng eigth-division world champion sa mahigit dalawang dekadang karera nito sa boxing.

 

 

Kaya naman sumampa ang Pinoy champion sa Top 10 Richest Boxer of All Time base sa mga nalikom nitong salapi mula sa kanyang mga laban at endorsements.

 

 

Nasa No. 3 spot si Pacquiao sa listahan tangan ang kabuuang 163 million Euros o mahigit P9 bilyong kinita sa kanyang boxing career.

 

 

Milyones ang kinikita ni Pacquiao sa tuwing sumasalang ito sa laban.

 

 

Isa sa pinakamalaki ang kinita ni Pacquiao sa blockbuster fight nito laban kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. noong 2015 kung saan lumasap ang Pinoy pug ng unanimous decision loss.

 

 

Sa kabila ng kabiguan, tumabo ng milyones si Pacquiao sa naturang laban mula sa fight purse hanggang sa pay-per-view buys na bumasag ng record sa mundo ng boxing matapos maglista ng 4.4 million pay-per-view buys.

 

 

Nasa unahan ng lista­han si Mayweather na may kabuuang net worth na 400 million Euros o mahigit P22 bilyon habang pumapa­ngalawa si George Foreman na may 222 million Euros o P12 bilyon.

 

 

Kasama rin sa listahan sina No. 4 Oscar de la Hoya (148 million Euros), No. 5 Canelo Alvarez (105 million Euros), No. 6 Lennox Lewis (103 million Euros), No. 7 Tyson Fury (100 million Euros), No. 8 Sugar Ray Leonard (88 million Euros) at No. 9 Anthony Joshua (60 million Euros).

Other News
  • Navotas nagbigay ng mga computers, 200K cash sa mga guro

    Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga computers at gave away na P200,000 cash prizes sa mga public at private school teachers sa selebrasyon ng Navotas Teachers Day.   Nasa 123 master teachers ang nakatanggap ng laptop computers at 24 public elementary at high schools naman ang nakakuha bawat isa ng desktop unit each. […]

  • 50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang

    Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya.     Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tina­lakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito.   […]

  • ISANG OFFSHORE GAMING, TINANGGALAN NG LISENSYA NG PAGCOR

    DAHIL sa maling pamamalakad sa offshore gaming sites, tinanggalan ng provisional accreditation ang isang offshore gaming hub, ayon sa Philippine Gaming Corporation o PAGCOR.     Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang […]