Pacquiao No. 3 sa world ranking
- Published on May 27, 2021
- by @peoplesbalita
Pasok si Manny Pacquiao sa Top 3 sa world ranking ng welterweight division ng pamosong Ring Magazine.
Hawak ng eight-division world champion ang No. 3 spot sa ilalim ng nangungunang si unified World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) champion Errol Spence Jr. nasa unang puwesto.
Nakaupo naman sa No. 2 si World Boxing Organization (WBO) titlist Terence Crawford.
Nakatakdang magharap sina Pacquiao at Spence sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada kung saan inaabangan na ng lahat ang naturang bakbakan na itinuturing na magiging Fight of the Year.
Maliban kay Pacquiao, nasa listahan din ng Ring Magazine ang iba pang Pinoy boxers.
Numero uno si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa bantamweight division kasunod si World Boxing Council (WBC) champion Nordine Oubaali ng France.
Nakalinya rin ang bakbakan nina Donaire at Oubaali sa Mayo 29 (Mayo 30 sa Maynila) sa Carson City, California.
Nasa bantamweight list din sina WBO champion Johnriel Casimero sa ikatlong puwesto at Mike ‘Magicman’ Plania sa ikasiyam na puwesto.
Sa super flyweight division, ikaapat si IBF champion Jerwin Ancajas.
Pasok sa Top 3 sina Juan Francisco Estrada, Srisaket Sor Rungvisai at Roman Gonzalez — ang tatlong boksingerong tinatarget ni Ancajas.
-
GUMAWA NA NG HAKBANG KONTRA OMICRON COVID VARIANT
PINAKIKILOS na ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno na gumawa ng mga depensibong hakbang laban sa Omicron COVID-19 variant. Ang panawagan ng WHO ay Dahil kumalat na ang nasabing variant sa iba pang mga bansa. Hinikayat ng WHO ang mga bansa na rebyuhin ang kanilang pagtugon o national response […]
-
Panawagan ni PDU30 sa publiko: Huwag iboto ang Makabayan party-list groups
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag iboto ang Makabayan party-list groups na ayon sa kanya ay “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines (CPP). Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, kinilala ng Pangulo ang mga party-list groups bilang Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT Teachers at […]
-
Guillermo: Ang Handog ng Obra dominates 4th SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special
CITY OF MALOLOS – The documentary film “Guillermo: Ang Handog ng Obra” bagged four major awards and took home a total of P170,000 cash prize during the 4th SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special held at the Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center in this city recently. Featuring the life, journey, […]