• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao simula na sa training camp sa US

Nasa Amerika na si eight-division world champion Manny Pacquiao upang doon ipagpatuloy ang training camp nito para sa unification fight laban kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight king Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).

 

 

Bago umalis ng Pilipinas, muling iginiit ni Pacquiao na walang makapipigil sa laban at tuluy na tuloy ito.

 

 

“Tuloy ang laban!,” ani Pacquiao sa kabila ng banta ng Paradigm Sports na pipigilan nito ang laban dahil sa umano’y “breach of contract.”

 

 

Kasama ni Pacquiao na tumulak sa Amerika si chief trainer Buboy Fernandez kung saan naghihintay na sa Wild Card Gym sa Hollywood, California si Hall of Famer Freddie Roach.

 

 

Mabibigat na ensayo na ang pinagdaanan ni Pacquiao sa General Santos City kung saan sumalang ito sa ilang sparring sessions.

 

 

Ngunit inaasahang mas mataas na lebel ng t­raining camp pa ang nakaabang kay Pacquiao sa Wild Card Gym para matiyak na handang-handa ito sa laban.

 

 

Noong Hunyo pa nag­simula sa matinding workout para sa laban si Pacquiao.

 

 

Sa Wild Card Gym din babalangkasin ng Team Pacquiao ang magiging game plan ng Pinoy champion para kay Spence.

 

 

May nakahanda nang plano si Fernandez para sa laban at inaasahang isasama pa ang sariling game plan ni Roach para lubos na matiyak ang panalo ni Pacquiao.

Other News
  • Ads April 26, 2024

  • 2 babae, arestado sa sinalakay na garment factory sa Malabon

    TIMBOG ang dalawang babae, kabilang ang isang lola matapos salakayin ng pulisya ang garment factory na gumagawa ng mga pinekeng branded na kasuotang panloob sa Malabon City. Dakong ala-1:00 ng hapon nang pasukin ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan sa bisa ng search warrant na inilabas ng Malabon Regional […]

  • Face masks kailangan sa loob ng pribadong sasakyan maliban kung nag-iisa

    Ang driver at mga pasahero sa loob ng pribadong sasakyan kahit na nakatira sa iisang bahay ay kinakailangan mag-suot ng face masks.     Sa isang magkasamang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Health (DOH) ay sinabi nilang kung nag-iisa naman ang driver sa loob ng sasakyan ay papayagan siyang alisin ang […]