• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao-Spence fight kasado na sa Agosto

Walang iba kundi si World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. ang makakasagupa ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

 

 

Matapos ang ilang buwan na paghihintay, kinumpirma mismo ni Pacquiao ang laban nang gulanta­ngin nito ang lahat sa kanyang post sa social media.

 

 

Walang caption na nakalagay sa teaser kung saan nakasaad na sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) ang Pacquiao-Spence fight na idaraos sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Naglabas din ng parehong teaser si Spence sa kanyang Instagram post kung saan may hashtag pa itong #bigfish patungkol kay Pacquiao na tunay na isang dekalibreng kalaban.

 

 

“Done deal! see y’all in Vegas for the biggest fight of the year,” ani Spence sa kanyang post.

 

 

Kaya naman nagbunyi ang lahat ng boxing fans kahapon na matagal ding naghintay sa anunsyo ng Pinoy champion.

 

 

Ito ang unang pagsalang ni Pacquiao sa boksing matapos ang halos dalawang taon na pagkakatengga dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

Huli itong nasilayan sa aksyon noong Hulyo 20, 2019 nang iselyo nito ang split decision win kontra kay Keith Thurman sa MGM Grand Garen Arena sa Las Vegas para maagaw ang World Boxing Association (WBA) welterweight title.

 

 

Subalit tinanggalan ng korona ng WBA si Pacquiao dahil sa “inactivity” nito.

 

 

Mula noong 2019, hindi na nakasalang pa si Pacquiao dahil sa pandemya.

 

 

Noong Pebrero pa nagsimulang mag-ensayo si Pacquiao.

 

 

Sa kabilang banda, galing si Spence sa unanimous decision win kay Danny Garcia noong Dis­yembre para mapanatili ang WBC at IBF belts nito.

 

 

Ito ang unang laban ni Spence matapos masangkot sa car accident noong Oktubre 10, 2019.

 

 

Hindi birong kalaban ang 31-anyos na si Spence na ‘di hamak na mas bata kumpara sa 42-anyos na si Pacquiao.

 

 

Armado rin ito ng malinis na 27-0 rekord tampok ang 21 knockouts.

Other News
  • MGA TODA at PUV OPERATORS, APEKTADO ANG TRANSPORT SECTOR DAHIL SA MEMORANDUM CIRCULAR 28 S 2020 ng SECURITES and EXCHANGE COMMISSION

    Ang nasabing Memorandum Circular ng SEC ay ang mandatory submission of email and mobile numbers ng mga corporations, partnerships at iba pa para sa implementasyon ng Commission sa kanilang filing and monitoting system.  Ito ay inilabas noong November 18, 2020 at pinalawig ang mandatory submission hanggang February 22, 2021.     Simula February 23, 3021, ay […]

  • Nag-celebrate ng first monthsary ang #PorDee: MICHELLE, kinakiligan ang pinost na twinning photoshoot nila ni ANNTONIA

    NATUWA ang fans ni Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee dahil nag-celebrate ito ng first monthsary ng #PorDee, ang tandem nila ni Miss Universe 2023 first runner-up Anntonia Porsild of Thailand.       Nag-share si Michelle sa X (formerly Twitter) ng twinning photoshoot nila ni Ann. May caption ito na: #PorDee1stMonthsary.     […]

  • “Too late” na ang Pinas na magpatupad ng travel ban laban sa Indonesia, pinalagan ng Malakanyang

    PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ng mga kritiko ng administrasyong Duterte na “too late” na o nahuli na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng travel ban laban sa Indonesia na napaulat na may maraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.   “Hindi naman po too late ‘yan kasi meron naman po tayong datos ng […]