Pacquiao tatanggapin ang ‘Manok ng Bayan’
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
SOKPA uli si eight-division world men’s professional boxing champion Sen. Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao sa Philippine Sportswriters Association (PSA) virtual Awards Nights 2020 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong sa Marso 27, Sabado.
Igagawad sa 42-anyos, 5-7 ang taas at tubong Kibawe, Bukidnon ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award, na kabilang sa mga karangalan ng pinakamatagal na media organization sa bansa sa tradisyunal na taunang okasyon na hatid ng San Miguel Corporation (SMC).
Babalikatin din ang pagtitipon ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV, katuwang ang 1Pacman Partylist, Chooks-to-Go, at Rain or Shine. Ang mga host ay sina Gretchen Ho at Carlo Pamintuan.
“Notwithstanding the pandemic, Pacquiao went around the country to help affected communities with their everyday needs. In all, he already donated more than 5,000 kilos of chicken, rice, and canned goods, aside from financial assistance in his various sorties nationwide,” pahayag Miyerkoles ng Chook-to-Go.
Ipapalabas ito sa Marso 28 sa OneSports+ simula sa ala-7:00 nang gabi hanggang alas-8:30 nang gabi. Mangunguna sa event ang pangulo ng PSA na si si Manila Bulletin Sports Editor Eriberto ‘Tito’ Talao. (REC)
-
JASMINE, muling makatatambal si ALDEN sa ‘The World Between Us’
KAPUSO actress Jasmine Curtis-Smith is thankful na despite sa umiiral na pandemya dahil sa Covid-19, na nasa second year na ngayon, ay tuloy pa ring dumarating ang mga offers sa kanya, movies and television man. May bago siyang teleseryeng gagawin sa GMA Network, ang The World Between Us na muli nilang pagtatambalan ni […]
-
‘Ligtas, payapa sa ngayon’: DepEd positibo sa unang araw ng face-to-face classes matapos ang 2 taon
WALA pang mga major na insidenteng nangyari sa mga eskwelahan sa pagbubukas ng libu-libong harapang mga klase ngayong araw — ito matapos maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic. “Sa ngayong umaga, wala pa po kaming natatanggap na major incidents or challenges,” wika ni Department of Education spokesperson Michael Poa. […]
-
Challenge sa ibang loveteams na umamin na rin: RONNIE, hiyang-hiya noong itinatago pa ang relasyon nila ni LOISA
BALIK-TAMBALAN sa pelikula sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ito ang ipinahayag ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa online channel ng batikang TV host. “I’m going to do a movie with Josh under (production company) Black Sheep this year,” sambit ni Julia. Sa interview ni […]