Pacquiao vs Terence inaayos
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG negosyante ang handang sumugal at maglatag ng kanyang milyones matuloy lang banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at unbeaten World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford ng USA.
Isiniwalat kamakalawa ni Top Rank Promotions CEO Robert ‘Bob’ Arum, na desididong sagutin ng maperang investor sa Middle East ang mamahaling bayad sa pagdarausan ng suntukan sa taong ito.
“Somebody is willing to spend big money to get the Crawford-Pacquiao fight and the site fee, that then distorts everything,” pagsisiwalat ng Amerikanong promoter sa podcast Barbershop Conversations.
Nauna nang humirit ng $40M (P2B) ang 42 taong-gulang na Pambansang Kamao habang $10M naman ang singil ni Crawford para sa upakan.
Pinanapos ni Arum na malamang na magkatintahan ngayong linggo ang mga handler ng magkabilang panig upang matuloy ang Pacquiao-Crawford 12-round fight. (REC)
-
Patuloy ang pagdiriwang ng birthday month… Sen. IMEE, walang kapaguran sa pagpapalaganap ng pagmamahal at kasiyahan
MULA Hilaga hanggang Timog, patuloy si Senadora Imee Marcos sa pagdiriwang ng kanyang birthday month sa pagpapalaganap ng kaligayahan. Mapanonood ito ng mga tagahangga ang kanyang heartwarming escapades sa dalawang bagong vlogs na streaming sa kanyang official YouTube Channel ngayong weekend. Sa araw, Nobyembre 25, panoorin ang walang kapagurang Senadora sa kanyang pagbisita […]
-
KC, nag-celebrate ng 36th birthday kasama ang pamilya ni GABBY; sa beach house inabutan ng lockdown
SA halip magreklamo, natuwa pa si KC Concepcion na inabutan siya ng lockdown sa beach house ng amang si Gabby Concepcion sa Lobo, Batangas. Dahil sa ECQ sa NCR at apat pang bayan na malapit sa National Capital Region na hindi pa alam kung muling mai-extend para hindi pa siya makabalik sa NCR […]
-
PUGANTENG KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Korean national na tinangkang lumabas ng bansa, Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang naaresto na si Ko Daeyun, 31 sa NAIA 3 terminal noong April […]