Pacquiao ‘welcome’ na presidential bet sa 1Sambayan
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng maging presidential candidate sa 2022 elections ng 1Sambayan si Sen. Manny Pacquiao.
Sinabi ni Fr. Albert Alejo, isa sa convenors ng coalition na kung mayroong mga kaibigan si Pacquiao na magno-nominate sa 1Sambayan ay welcome ito.
Kung may mag-nominate man sa senador ay tatanungin siya kung handa siya na sumailalim sa selection process ng 1Sambayan at kung pumayag si Pacquiao ay saka siya iinterbyuhin at sasailalim sa screening ayon sa criteria ng kanilang grupo.
Nauna nang sinarado ng grupo ang kanilang pintuan sa posibilidad na maging nominado ang mambabatas sa pagka-presidente o bise Presidente.
Matatandaan na maging si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ay nagsabi na kulang si Pacquiao sa kakayahan dahil sa palagi itong absent sa kongreso at hindi maaaring ikonsidera para sa 2022 national elections dahil kaalyado rin siya ng administrasyong Duterte. (Gene Adsuara)
-
Picture nila, pinost pa sa page ng American singer: SHARON, tuwang-tuwa na na-meet ang childhood hero na si BARRY MANILOW
TUWANG-TUWA nga si Megastar Sharon Cuneta nakapanood siya ng concert ng kanyang idol ni Barry Manilow sa Westgate Las Vegas Resort & Casino International Theater, at na-meet pa niya after ng concert. Naisingit talaga ito ni Sharon habang may US-Canada tour ang ‘Dear Heart’ concert nila ni Gabby Concepcion at nagtugma naman na wala […]
-
Naalarma nang naaksidente ang kanyang ina: DEREK, thankful na mabilis naka-recover sa pinagdaanang surgery
NAALARMA kamakailan si Derek Ramsay dahil sa naaksidente ng kanyang inang si Remedios “Medy” Paggao. Masama ang pagbagsak daw ng kanyang ina at nagka-fracture sa kanyang forearm. Agad nga raw inoperahan ang ina ng aktor. “My mom took a bad fall and broke her forearm. Seeing her fall and seeing her […]
-
CELEBRATE THE 25th ANNIVERSARY OF “FINAL DESTINATION” BY WATCHING A LIVESTREAM OF THE 25 MOST ICONIC DEATHS FROM THE FRANCHISE
WELCOME to the Deathstream. This month, March 2025, marks the 25th anniversary of the “Final Destination” horror movie franchise. The first “Final Destination” movie, starring Devon Sawa and Ali Larter, was released on March 17, 2000 – and started a cult following among horror movie enthusiasts that is still very much alive in 2025. In […]