• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Padrino system, no way sa DMW sa harap ng target nitong makapag-hire ng may 1 libong personnel ngayong taon

IGINIIT ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na no way sa kanila at hindi uubra  ang padrino system sa  harap ng 1 libong mga bakanteng posisyon na kanilang bubuksan ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Ople na  sa kuwalipikasyon ng isang aplikante sila titingin upang ito ay kunin para maging bahagi ng DMW.

 

 

Nais aniya nilang maging competitive at pairalin ang professionalism sa kanilang hanay kaya’t kanila aniyang ibabase ang pagkuha ng kanilang magiging empleyado sa qualification at hindi dahil sa backer o padrino nito.

 

 

Ang bubuksang mga posisyon ay gagawin sa harap ng kailangang manpower na inaasahang idedeploy sa 16 na regional offices ng Department of Migrant Workers.

 

 

“This year, we will also be establishing 16 regional offices. We also need to fill-up around 1,000 vacancies; so doon po sa gustong magtrabaho sa Department of Migrant Workers, pakiabangan na lang po iyong aming announcement ng vacancies which we will also need to clear and coordinate this information with the Civil Service,” aniya pa rin

 

 

Kaya sa mga nais aniyang pumasok sa DMW, ang pakiusap pa ni Ople ay ‘pakiabang’ na lang habang patuloy ang kanilang koordinasyon sa Civil Service Commission o CSC para sa gagawing pagpupuno sa may isang libong item sa kanilang Kagawaran.

 

 

“Of course, may need kami for lawyers, may need din kami for even entry level staff, iba-iba eh, something as basic as iyong social media team namin. So kung mayroon ditong aplikante, please let me know. Need din namin ng writers, so but siyempre mas klaro pati kung anong salary grade iyong mga qualifications, lahat iyan ilalabas namin in the spirit of transparency and  inclusivity and  even iyong mga  ex-OFWs, if they want to apply or even if they are abroad  and they want to apply. I mean, the door is open, iyon  na nga, ano lang, siyempre competitive iyan and we want a very professionally- run department,” litaniya ni Ople.

 

 

“So, iyong padrino system, puwedeng ano muna, we will look at the qualifications of each candidate,” pahayag ni Ople. (Daris Jose)

Other News
  • Jason Tatum sinisi ang sarili sa pagkatalo ng team, babawi na lang daw sa Game 5

    SINISI ni NBA All-Star Jayson Tatum ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Boston Celtics kanina sa kamay ng Golden State Wariors sa Game 4 ng NBA Finals.     Ayon kay Tatum, responsibilidad niya kung bakit kinapos ang Boston.     Aniya, kailangan na mas episyente ang kanyang diskarte, maayos na tira para mas umepekto […]

  • Gobyerno, may napupusuan ng protective design para sa magkaangkas sa motorsiklo

    MAY napipisil nang disenyo ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa napipintong pagbibigay na ng permiso sa mga nagmomotorsiklo upang makapag- angkas o makapagsakay ng back rider. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na ang disenyong shield ni Bohol Governor Arthur Yap ang napupusuan ng Task Force para sa mga magka- angkas sa motorsiklo na […]

  • Tuloy ang laban sa sakit at ‘di susuko: KRIS, nagawa pang ireto ang kaibigan doktor kay CARLA

    MULI ngang nagbigay ng health update ang TV host-actress na si Kris Aquino pamamagitan ng kanyang official Instagram account.     Meron na namang nakita na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan.     Inamin ni Kris, na humina ang kanyang katawan at nabawasan din ang timbang, kasabay pa nawala ang gana niya sa pagkain. […]