• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-abswelto kay Revilla sa graft hindi namin iaapela

Wala nang balak iapela ng Office of the Ombudsman ang pag-dismiss ng Sandiganbayan sa patung-patong na kaso ng graft laban kay Sen. Bong Revilla kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

 

 

“The SB First Division voted 3-2 to grant Senator Revilla’s Demurrer to Evidence, AND WE RESPECT ITS DECISION,” ayon sa tanggapan ng Ombudsman, Huwebes, pagdating sa 16 kaso ng senador.

 

 

Ngayong Lunes lang nang iulat ang pag-clear kay Revilla kaugnay ng “kakulangan ng ebidensya,” hatol na ibinaba matapos pagbigyan ang kanyang demurrer to evidence na hindi na nag-obliga sa kanya na depensahan ang sarili.

 

 

Ang ganitong desisyon ng opisina ay ibinabase raw ngayon sa karapatang iginagawad ng Saligang Batas sa lahat laban sa “double jeopardy.” Tumutukoy ang double jeopardy sa pagsagot ng akusado ng dalawang bses sa parehong reklamo.

 

 

“Consistent with the defendant’s constitutional right against double jeopardy, Ombudsman Samuel Martires sets the policy of no longer challenging the dismissal of cases/quashal of information and judgments of acquittal, either through a motion to dismiss, a demurrer to evidence or by a decision, rendered by the trial courts or the Sandiganbayan except when the People was clearly deprived of due process or there was mistrial.”

 

 

Taong 2014 nang akusahan si Revilla ng pagbubuhos ng kanyang Priority Development Assistance Fund mula 2006-2009 patungo sa mga “bogus” non-governmental organizations ni Janet Napoles, dahilan para makakuha raw ang actor-turned-senator ng P224.5 milyong kickback.

 

 

Na-convict para sa plunder sina Napoles kasama ang aide ni Revilla ni Richard Cambe. Gayunpaman, idinismiss din ang kaso ng huli matapos niyang pumanaw sa kulungan.

 

 

Una nang inabswelto sa plunder si Revilla kaugnay pa rin ng parehong isyu. Maliban kay Bong, kasamang inaakusahan sa pork barrel scam sina dating Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. Juan Ponce Enrile.

 

 

Miyerkules lang nang sabihin ni Jinggoy na makakatulong ang pagkakaabswelto ni Revilla oras na mapagdesisyunan niyang tumakbong senador para sa 2022.

 

 

Matatandaang tumakbo sa pagkasenador si Revilla taong 2019 at nanalo pa rin kahit na humaharap pa noon sa mga kaso kaugnay ng pork barrel scam. (Daris Jose)

Other News
  • Gustong makatrabaho sina Marian at Maine: CARLA, inaming napatawad na si TOM at ‘di dahilan sa paglipat ng management

    BINIGYAN ng isang bonggang pag-welcome at the same time, contract signing si Carla Abellana ng bago niyang management, ang All Access to Artists Ph o Triple A Management.        Present sa naging pag-welcome at contract signing ni Carla ang mga bosses ng Triple A sa pangunguna ni Direk Mike Tuviera. Gayundin si Ms. […]

  • Ads January 21, 2022

  • Dahil two years na ang panganay na si Tili: SOLENN, ready na sa baby number two nila ni NICO

    HANDA na raw for baby number two si Solenn Heussaff.   Dahil 2 years-old na raw ang panganay nila ng mister niyang si Nico Bolzico na si Thylane Katana or Tili, puwede na raw nilang paghandaan ang magiging kapatid nito ngayong 2022.   “Yes! Ready na kami for baby number 2. The clock is ticking […]