• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-agos ng lava flow, nagsimula na sa Mayon

NAGSIMULA na ang lava flow activity mula sa crater summit ng Bulkang Mayon, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

 

 

Bukod dito, nakapagtala rin ang bulkan ng 21 volcanic earthquakes, 260 rockfall events at tatlong pyroclastic density current events sa nakalipas na 24 oras.

 

 

Ayon sa Phivolcs, pa­tuloy na nakikita ang ba­naag o crater glow sa bu­nganga ng bulkan.

 

 

Nakapagtala rin ang Mayon ng pagluwa ng 642 tonelada ng asupre nitong Hunyo 11.

 

 

Sa ngayon, nanatiling nasa Alert Level 3 ang bulkan.

 

 

Pinagbabawalan ang mga residente doon na pumasok sa 6 km radius permanent danger zone.

 

 

Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa pagluwa ng bato at lava.

 

 

Samantala,  higit 13,811 katao inilikas na sa pag-aalburoto ng Mayon, ayon sa NDRRMC

 

 

Imbes na tumaas, bumaba nang halos 1,000 ang bilang ng mga residenteng napalikas dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ngayong Martes kumpara kahapon ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

Linggo lang ng gabi nang magsimulang umapaw ang lava mula sa bunganga ng bulkan, bagay na sinasabing “less violent” kumpara sa explosive eruptions na nangyari na noon.

 

 

“A total of 3,876 families or 13,811 persons were affected,” wika ng konseho ngayong araw.

 

 

“Of which, 3,701 families or 13,179 persons were served inside 21 [evacuation centers] and 175 families or 632 persons were served outside EC.”

 

 

Kapansin-pansing umabot na sa 14,376 ang bilang ng displaced persons nitong Lunes bagay na mas mataas nang husto kumpara ngayong araw.

 

 

Kung titilad-tilarin, narito ang itsura ngayon ng mga nasalanta sa Bicol Region:

 

apektado: 13,811

 

nasa loob ng evacuation centers: 13,179

 

nasa labas ng evacuation centers: 632

 

Samantala, umabot na rin sa 89 hayop ang sumailalim sa pre-emptive evacuation sa naturang rehiyon.

 

 

Lumobo naman na sa P25.61-milyong halaga ng ayuda ang inilabas para sa mga nasalanta sa Bikol sa porma:

 

hapunan: P40,000

 

tubig: P25,350

 

family food packs: P16.74 milyon

 

family tent: P81,000

 

hot meals: P17,000

 

hygiene kits: P3.43 milyon

 

modular tents: P1.46 milyon

 

sleeping kits: P2.72 milyon

 

bath towels, pancit dry, biscuits, rice: P92,380

 

family kit, hygiene kit: P973,720

 

iba pa: P10,000

 

 

Nakapagtala naman na ang ang state volcanologists ng mga sumusunod na seismic activities sa nakalipas na 24 oras:

 

volcanic earthquakes: 1

 

rockfall events: 221

 

pyroclastic density current event: 1

 

sulfur dioxide flux: 723 tonelada kada araw

 

plume: katamtamang pagsingaw; napadpad sa hilagangsilangan

 

ground deformation: namamaga ang bulkan

 

“Nakikita ang banaag (crater glow); mabagal na pag-agos ng lava mula sa summit crater,” dagdag pa ng Phivolcs. (Daris Jose)

Other News
  • Pilipinas bumaba ang ratings sa pagiging masayahin – research

    Bumaba ang ratings ng Pilipinas sa dami ng mga Filipino na masaya ngayong 2021.     Ayon 2021 World Happiness REport ng United Nations na sa pang number 61 na ang ranking ng Pilipinas mula sa dating pang-52 noong 2020.   Gumamit ang researchers ng Gallup data kung saan tinatanong ang mga tao na i-rate […]

  • Malasakit Centers: 6 taon nang nagseserbisyo sa Pilipino

    NOONG Pebrero 12, 2018, isang makabuluhang marka sa pangangalaga sa kalusugan ang pinasimulan matapos pasinayaan ang unang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.     Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go na noon ay Special Assistant to the President, ang Malasakit ay isang one-stop shop na nagpabilis sa access […]

  • Chooks-to-Go Pilipinas sinimulan na ang ensayo

    Sinimulan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ang kanilang ensayo.   Sinabi ni Eric Altamirano, ang commissioner ng liga, bago magsimula ang ensayo ay dumaan ang mga manlalaro sa COVID-19 test.   Mula noong Lunes ay natapos ng magpa-COVID-19 test ang mga manlalaro ng Zamboanga Peninsula Valientes, Gapan Chooks, Bacolod Master Sardines at Family’s Brand Sardines ng […]