Pag-amin ni PDu30, walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid-19
- Published on May 7, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid- 19 kahit pa nabakunahan na siya laban dito.
“There is no way, guarantee that I will not be a victim of COVID,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi.
“At no other time in my life did I have to contend with the fact that a lot of my friends, those of my age, have been dying,” ani Pangulong Duterte.
“I do not exclude myself from that reality. I’m old myself,” dagdag na pahayag nito.
Kamakalawa ay nagpabakuna na si Pangulong Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine.
Sa video na inilabas sa Facebook page ni Senador Bong Go, makikita si Health Secretary Francisco Duque III na siyang nagturok ng bakuna sa Pangulo.
Bago ito tinurukan ay kinumusta muna ni Duque ang Pangulo na sinagot naman nito na maayos ito.
Sinabi naman ni Pangulong Duterte na matagal na niyang hinihintay na mabakunahan pero kinakailangan pa aniyang hintayin ang assessment ng kanyang doktor, na pinili ang Sinopharm vaccine.
Sa ngayon, wala pang Emergency Use Authorization (EUA) na inisyu ang Food and Drugs Administration para sa Sinopharm vaccine pero mayroon itong Compassionate Special Permit (CSP) na ibinigay sa Presidential Security Group (PSG). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Dinagsa ng mga celebrity ang wake niya: JACLYN, binigyan ng tribute ng pamunuan ng ‘Cannes Film Festival’
NAGBIGAY ng tribute o pagkilala ang pamunuan ng Cannes Film Festival sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose. Siya ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian na nagwagi ng Best Actress award sa Cannes Film Festival noong 2016 dahil sa mahusay niyang pagganap sa ‘Ma’ Rosa’, na mula sa direksyon ni […]
-
P13B, gagastusin ng gobyerno para pondohan ang ayuda sa MM residents ngayong ECQ
SINABI ng Malakanyang na gagastos ang pamahalaan ng P13 bilyong piso para pondohan ang cash grants para sa mga low income Metro Manila residents bunsod ng nalalapit na two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula sa Agosto 6. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na ang pondo ay huhugutin mula sa savings o […]
-
Nakikita na ang aktres ang makakatuluyan: MARCO, naramdaman na si CRISTINE ang ‘the right one’ para sa kanya
BUKOD sa panonood ng special screening ng “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” na nagtatampok kina Cristine Reyes at Marco Gumabao, hindi mo maiwasang tingnan ang sweetness ng lead stars na umamin nang real couple na sila. Na ayon kay Marco ay nagsimula na siyang ma-attract kay Cristine nang una silang magkasama sa […]