Pag-angkat ng 150K metric tons ng asukal, kailangan para matugunan ang posibilidad ng kakulangan – PSA
- Published on May 18, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPALIWANAG ang sugarcane regulatory Administration sa pangangailangang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.
Kahapon nang opisyal na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-angkat muli ng 150,000 metrikong tonalada ng asukal dahil sa posibilidad ng kakulangan sa mga darating na buwan.
Ayon sa SRA, magkakaroon ng negative ending stock ang bansa ng hanggang sa 552,835 metrikong tonelada pagsapit ng Agosto 2023. Ito ay kasabay na ng pagtatapos ng milling season.
Kung hindi mag-aangkat ang bansa ng sapat na supply ng asukal, tiyak umanong kukulangin na ang supply nito sa merkado.
Batay sa pagtaya ng SRA, maaaring abutin lamang sa 2.4 Million metric tons ang local production ngayong taon, na pinapaniwalaang kukulangin para tugunan ang pangangailangan ng mga consumer sa bansa.
Paliwanag ng SRA, ang 150,000 metriko tonelada ng asukal na aangkatin ay maaaring madamit upang pantustus sa anumang kakulangan ng supply nito sa mga merkado.
-
Ads January 15, 2022
-
Gilas training magsisimula na!
AARANGKADA na ngayong araw ang training camp ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Magagaan na workouts muna ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas pool sa unang araw ng training sessions nito. Hindi pa kumpleto ang pool dahil wala pa sa Maynila sina NBA star […]
-
Isang taon na ‘di nag-usap bago naibalik ang friendship: RITA, pinaghandaan ang pagsasabi ng nararamdaman niya para kay KEN
PINASOK na rin ni Glaiza de Castro ang pag-produce ng pelikula at ang unang venture niya ay co-producer niya si Ken Chan sa mystery-thriller film na ‘Slay Zone’. Kakaibang Valentine movie raw ang ‘Slay Zone’ dahil panggulat daw ito sa mga magde-date sa Araw ng mga Puso. Kasama rito ni Glaiza ay […]