• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-angkat ng 440-K MT ng asukal, aprubado na ng SRA Board

INAPRUBAHAN ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang plano sa pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng refined sugar.

 

 

Layon nito na palakihin ang supply at patatagin ang mga presyo ng sweetener ngayong taon.

 

 

Inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board member-planters’ representative Pablo Luis Azcona na inaaprubahan ito sa ginawang pulong ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board.

 

 

Nang tanungin tungkol sa Sugar Order, sinabi niya na ito ay para sa publikasyon at ilalabas ng Office of the President.

 

 

Aniya, kahit inaprubahan at nilagdaan na ito ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board, kailangan pa rin itong dadaan sa Malakanyang para sa final issuance.

 

 

Sa kabuuang halaga, sinabi ni Azcona na 200,000 MT ang ilalaan para sa mga end-user habang 240,000 MT ang itatakda bilang dalawang buwang buffer stock.

Other News
  • Fajardo, 2 iba pang higante ‘tambay’ muna

    LIBAN ang tatlong higante sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020, pero tiyak na hindi maglalaho ang kasabikan sa pagbukas nito sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.   Sila ay sina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ng Barangay Ginebra San […]

  • Panukalang SIM registration at poll postponement, nilagdaan ng kongreso; ipinadala sa Palasyo para sa lagda ng Pangulo

    NILAGDAAN  na nina Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong Martes sa isang simpleng seremonya sa Manila Golf Club, Makati, ang panukalang batas para sa SIM Registration Act at Barangay and SK (Sangguniang Kabataan) Elections Postponement Act.     “Today (Tuesday), I am honored to join Senate President Migz Zubiri in signing […]

  • Ads February 1, 2021