PAG-APIR, AUTOGRAPH NG NBA PLAYERS BAWAL MUNA
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ng NBA ang mga player ng liga na iwasan muna ang pag-apir sa fans at pag-autograph sa mga item ng fans para sa kaligtasan ng bawat isa mula sa coronavirus outbreak.
Naglahad ng 10 rekomendasyon ang NBA para matiyak na ang kanilang manlalaro ay hindi mahahawa sa COVID-19 at kabilang dito ang pag-iwas na hawakan ang mga ballpen, markers, bola at jerseys mula sa mga nais magpa-autograph na kanilang ibinahagi sa mga team.
Ibinahagi rin ng NBA sa mga teams na komukonsulta ang mga ito “with infectious disease experts, including the Centers for Disease Control” at infectious disease researchers sa Columbia University sa New York.
Unang ni-report ng ESPN ang nilalaman ng memo.
“We are also in regular communication with each other, NBA teams including team physicians and athletic trainers, other professional sports leagues, and of course, many of you,” bahagi ng memo ng liga para sa mga team, sa kanilang physicians at athletic training staffs.
“The coronavirus remains a situation with the potential to change rapidly — the NBA and the Players Association will continue to work with leading experts and team physicians to provide up-to-date information and recommended practices that should be followed to prevent the spread of the coronavirus,” sabi pa sa memo.
Iminungkahi rin ng liga sa mga player na tiyakin na sila ay “are up to date with all routine vaccinations, including the flu vaccine.”
Ilan naman sa mga player katulad ni CJ McCollum ng Portland Trailblazers at Bobby Portis ng New York Knicks ay nagbigay paalala na rin para maiwasan ang virus.
Tiniyak din ng pamunuan ng NBA na may ugnayan ito sa Centers for Disease Control at sa infectious disease researchers sa Columbia University sa New York.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manlalaro at staffs.
-
Duterte nagbigay-pugay sa mga frontliners ngayong Araw ng Kagitingan
Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan. Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng araw na ito ay mabibigyan tayo ng isang matibay na paalala ng hindi matatawarang determinasyon ng mga Pilipino na […]
-
One seat apart rule sa mga pampublikong sasakyan, hindi pa maaaring ipatupad until further notice- Malakanyang
HINDI pa maaaring ipatupad ang napagkasunduan ng mga cabinet members na one seat apart rule sa mga public transport. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan pa munang mailathala sa official gazette ang napagkasunduan ng mga miyembro ng gabinete na isang upuang pagitang distansiya ng mga One seat apart rule sa mga pampublikong sasakyan, […]
-
KYLIE, tinawag na ‘Queen’ sa teaser ng kanyang pagbabalik-primetime at makakatambal si RAYVER
WE are happy sa panalo ni Megastar Sharon Cuneta as Best Actress sa 6th GEMS Hiyas ng Sining Awards. Our beloved megastar won for her performance sa Daryll Yap movie na Revirginized. Aminado naman si Sharon na medyo may takot siya when she accepted Revirginized. Ibang-iba kasi ito sa mga movies na […]