• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-IBIG Fund net income, pumalo sa ₱38.06B record-high nitong Oktubre 2022

NAKAPAGTALA ang Pag-IBIG Fund ng  record-high net income na ₱38.06 bilyong piso mula Enero hanggang Oktubre  2022.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ito ng bagong record net income kung saan nalampasan ang  ₱34.73 bilyon na nakuha noong taong 2021.

 

 

Ang record-high ay  39% increase kumpara sa kahalintulad na panahon ng nakaraang taon.

 

 

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, ang  total assets ng ahensiya ay pumalo sa  ₱810.07 bilyong piso, nakakuha ito ng  10% o ₱65.49 bilyong piso mula sa  year-end 2021.

 

 

Aniya pa, ang accomplishments ng ahensiya  “as of October” ay nagpapakita na  “it shall have its best-performing year yet.”

 

 

Tinuran naman ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar, nagsilbi bilang  chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, ang  performance ng ahensiya ang naglagay sa “strong position to continue providing social services and help more Filipinos gain better lives,”

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Acosta ang lahat ng mga miyembro at  stakeholders para sa kanilang  matatag na tiwala at suporta. (Ara Romero)

Other News
  • TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK

    KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official […]

  • Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH

    Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan.     Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna.     Ayon kay Vergeire, mayroon talagang […]

  • ‘Hinahanap ni Duerte na next PhilHealth chief, magaling sa ‘legal at accounting’

    Posibleng may bago na umanong PhilHealth president at chief executive officer ngayong linggo.   Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III. Ayon kay Duque, sa ngayon ay puspusan na ang paghahanap daw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ipapalit sa nag-resign na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales. Sinabi pa […]