• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag – impeach kay VP Sara , inaasahan na – Panelo

GAYA ng inaasahan, kagyat na sinimulan ng anti-forces ang impeachment process laban kay Vice-President Sara Duterte.
Inimpeach na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si VP Sara makaraang makalikom ng 215 na pirma ang ika-apat na impeachment complaint laban sa bise presidente.
“Having the numbers, railroading the process is a foregone conclusion,” ang sinabi ni dating Presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang mensahe nito.
Gaya aniya ng paulit-ulit niyang sinasabi, ang dahilan ng hakbang na ito ay para sirain at dungisan ang reputasyon ni VP Sara at may ‘ultimate goal’ na idiskuwalipika si VP Sara mula sa 2028 presidential elections, sa pagiging nangungunang kalaban sa pagka-pangulo.
Malinaw aniya na hindi pinapansin ng mga mambabatas ang napakatinding boses ng mga tao na kontra sa impeachment ng bise-presidente, o hindi na ginalang o binastos na ang ‘wish’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kalimutan ang pagkakahati-hati at non-productive political endeavor na hindi mapakikinabangan ng isang Filipino.
“Their move will only galvanize the support of the Filipino people on VP Sara, and will fan the flames of disgust and rage against their willful and brazen violation of the guarantees enshrined in the Constitution,” ang sinabi pa rin ni Panelo.
Matapang na sinabi ni Panelo na “They have not learned the lessons of history. Indeed, “Whom the gods wish to destroy, they first make mad.” aniya pa rin.
Napaulat na dahil sa nakamit o lumagpas pa sa requirement na 1/3 votes ng mga miyembro ng Kamara, i-aakyat na ang impeachment sa Senado para sa trial o paglilitis.
Sa sesyon kahapon Miyerkules, tumayo si House Secretary General Reginald Velasco para ilahad ang ika-apat na impeachment complaint na mayroong 7 Articles of Impeachment, kabilang ang grounds na betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, graft and corruption, malversation of public funds, at committed high crimes.
Kabilang sa mga binanggit ay ang “kill plot” o naging banta ni VP Duterte laban kay Pres. Ferdinand Marcos Jr., Speaker Martin Romualdez at First Lady Liza Marcos; at ang maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice Pres. at Department of Education na una nang siniyasat ng Kamara.
Tinukoy din ang bribery dahil sa pamamahagi ng mga sobreng may laman na pera sa Deped officials noon; at hindi maipaliwanag na yaman at bigong pagdedeklara ng mga ari-arian at interes sa SALN mula noong bise alkalde siya noong Davao City. ( Daris Jose)
Other News
  • Gunman sa pamamaslang sa registration chief ng LTO, arestado

    ARESTADO na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa madugong pamamaslang sa isang opisyal ng Land Transportation Office sa Quezon City.       Sa ngayon ay tumanggi munang magbigay ng dagdag pang mga impormasyon si Department of the Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr. ngunit kasalukuyan na aniyang hinihintay na […]

  • Dahil sa pagdating ni KC mula sa Amerika: SHARON, masayang-masaya na muli silang nakumpleto sa birthday ni FRANKIE

    MERRY ang Christmas this year ni Megastar Sharon Cuneta.       Nabuo uli ang kanilang pamilya, dahil dumating ang panganay niyang si KC Concepcion na madalas nilang hindi nakasama, dahil naglalagi na ito sa USA.     Twenty-second birthday ng panganay nila ni former Senator Kiko Pangilinan, na si Frankie ang occasion.     Caption ni Shawie sa first post niya: […]

  • Petecio sisiguro ng bronze medal

    Inaasa­hang magiging inspirasyon kay featherweight Nesthy Petecio ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pilipinas.     Nakatakdang labanan ngayong araw ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia sa quarterfinals ng women’s 54-57 kilogram division sa Olympic boxing competitions sa Kokugikan Arena.     Makikipagbasagan ng mukha […]