• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-import ng 300K MT ng asukal, tinanggihan ni Pangulong Marcos

TINANGGIHAN  ni ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko ­tonelada (MT) ng asukal.

 

 

Ito ang inihayag kahapon Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mapaulat ang pahayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica noong nakaraang linggo na plano ng ­gobyerno na mag-import ng nasa 300,000 MT ng asukal.

 

 

Umaabot na sa P100 ang kilo ng refined sugar sa local market.

 

 

Ayon kay Cruz-Angeles, ginawa ni Marcos ang desisyon bilang chairman ng Sugar Regulatory Board.

 

 

“The President rejected the proposal to import an additional 300,000 MT of sugar. He is the chairman of the Sugar Regulatory Board and denied this in no uncertain terms,” ani Cruz-Angeles.

 

 

Nauna nang sinabi ni Serafica na tinitingnan ng SRA ang pag-import ng asukal mula sa Thailand, Vietnam, Malaysia, at Indonesia dahil ubos na ang stockpile ng asukal sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Ipagpaliban ang pagtataas sa SSS contribution, pirmado na

    PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na naglalayong bigyan siya ng kapangyarihan na ipagpaliban ang pagtataas sa Social Security System (SSS) premium contributions ngayong taon.   Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11548 na tinintahan, araw ng Miyerkules, ang pagpapaliban sa pagtataas sa SSS contribution ay magiging epektibo “for the duration of […]

  • 3K MGA ESTUDYANTENG NAVOTEÑO NAKATANGGAP NG SMART PHONES

    Namigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga smart phones na magamit ng 3,057 na mga estudyante ng public elementary at high school para sa school year 2020-2021.     Ang mga beneficiaries ay kabilang sa mga ideniklara nung enrolment na walang sariling mga gadget na kanilang magamit para online classes.     “We set […]

  • Salarin sa ‘luto’ hindi matunton ng PBA

    Hindi matunton ng PBA ang may sala sa “luto” remarks.   Kaya naman nagbabala si PBA commissioner Willie Marcial sa lahat ng koponan na iwasan ang anumang hindi magagandang statement habang nasa laro.   Dahil sa oras na muling may lumabag, isang mabigat na parusa ang nakaabang sa salarin.   Bantay-sarado na ng PBA ang […]