• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-imprenta ng balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, uumpisahan na

NAKATAKDA nang umpisahan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, September 20  ang pag-imprenta ng official ballots para sa isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Disyembre.

 

 

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ang isang buwang schedule para sa printing job ay dapat na raw matapos sa October 20 kahit nakabinbin pa ang desisyon sa pagpapaliban ng halalan sa susunod na taon.

 

 

Maging ang pagbili daw ng mga kagamitan para sa halalan ay unti-unti na nilang naibibigay ang award at kapag ito ay nai-deliver na ay isa-isa na rin itong babayaran.

 

 

Una rito, sinabi ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na ang mga suplay na gagamitin sa halalan sa Disyembre ay hindi naman daw masasayang kahit na ipagpaliban pa ang halalan.

 

 

Paliwanag ng opisyal na puwede namang pansamtalang itago ng poll body ang mga materials at printed ballots at gamitin na lamang kapag tuloy na ang halalan.

 

 

Kung maalala, mayroong Senate bill na naglalayong ipagpaliban ang barangay at SK elections sa ikalawang Lunes sa buwan ng Disyembre sa susunod na taon.

 

 

Sa panig naman ng House of Representatives, aprubado na sa ikalawang pagbasa ang counterpart measure ng layong ipagpaliban ang halalan ng isang taon. (Daris Jose)

Other News
  • Kaabang-abang ang kanilang pagsasanib-puwersa: ARJO, makakasama sina JOHN at JUDY ANN sa spin-off ng ‘Bagman’

    NAKATAKDANG i-launch ng ABS-CBN ang tentpole co-production ng ‘The Bagman’ sa Asia TV Forum & Market (ATF) sa Singapore, kasama ang bida ng serye na si Cong. Arjo Atayde, na dadalo rin sa naturang event.   Sisimulan ang produksyon nito sa Enero 2024, ang eight-part action drama series na kung muling gagampan Arjo ang karakter […]

  • Solusyon sa korupsiyon sa Immigration, pagpasa ng bagong batas sa Immigration act

    ANG pagpasa ng isang bagong batas sa Immigration ang nakikitang solusyon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente upang matigil ang katiwalian sa ahensiya.   “I have talked to the President and raised this concern to him as well. The Philippine Immigration Act is a very old law, 80 years old to be exact. […]

  • Slaughter, Badua asaran sa Twitter

    MALABO pa yatang matapos ang parang away-bata nina Philippine Basketball Association (PBA) star Greg Slaughter at netizen Edmond ‘Snow Badua sa social media na nagkaasaran sa ratratan nila gamit ang Twitter.   Inis ang Barangay Ginebra San Miguel slotman sa pagkakabitin ng kanyang playing career, walang bagong kontrata tatlong linggo na lang bago magbukas ang […]