Pagbaba ng kaso ng COVID-19 aabutin ng 1 buwan – OCTA
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
Aabutin pa ng isang buwan bago makita kung bababa ang kaso ng COVID-19 sa gitna ng paghihigpit sa community quarantine sa Metro Manila at apat na karatig probinsiya.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Team, posibleng makikita ang epekto ng mga “interventions” na ipinatutupad ng pamahalaan sa susunod na dalawa o tatlong linggo pero ang pinakatiyak ay sa loob ng apat na linggo o isang buwan.
Ginawang halimbawa ni David ang ipinatupad na modified enhanced community quarantine noong nakaraang taon kung saan umabot ng isang buwan bago nakita ang epekto.
Idinagdag naman ni Prof. Ranjit Rye na kasama rin sa OCTA Team na kailangan talagang higpitan ng gobyerno ang ipinatutupad na general community quarantine upang magkaroon ng positibong resulta.
Sinabi pa ni Rye na kailangang mag-adjust ang mga mamamayan at tumulong rin ang pribadong sektor at mga may negosyo.
Dapat aniya tiyakin na ligtas ang mga “work place” mula sa COVID-19 at kung maaari ay ipatupad ang work from home. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Magsalamin sa mata, magbitbit ng tubig
BATAY po sa aking karanasan, nais kong i-share naman ngayon sa inyo mga kapwa ko mananakbo, ang pagsasalamin (sun glass) na hindi dark color, light color dapat kung mag-ja-jogging-running tayo sa umaga sa labas ng ating tahanan. Dapat ding magbaon ng tubig kahit sa maliit na container o nabibiling purified bottled water. Iyan […]
-
DOH nagpaliwanag vs COA report: ‘Mga gamot naipamahagi na’
NAGPALIWANAG ang Department of Health (DOH) matapos punahin ng Commission on Audit (COA) ang P2.2-billion halaga ng expired at over- stocked na gamot na hindi raw naipamahagi ng ahensya mula 2019. “The DOH responded to the issue that DOH has around P2.2 billion worth of expired drugs and medicines, and medical and dental supplies […]
-
P904 milyon kemikal at gamit sa paggawa ng shabu winasak sa Valenzuela
Tinatayang nasa P904 milyong halaga ng kemikal at sangkap sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Punturin, Valenzuela city. Pinangunahan Valenzuela Mayor Rex Gatchalin at PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagwasak ng laboratory equipment, controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na gamit sa […]