• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbaba ng satisfaction rating ni Pdu30, hindi alarming- Malakanyang

PARA sa Malakanyang, hindi maituturing na alarming kundi “very good” pa rin ang pinakahuling satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa 75% base na din sa inilabas na survey ng SWS.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala namang Presidente na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit na ang eleksiyon.

 

Natural lamang ayon kay Sec. Roque na sa panahon ng eleksiyon ay humahanap ang mga kandidato ng paraan para bumaba ang rating ng Administrasyon para manalo.

 

At kung bumaba man aniya ang satisfaction rating ng Pangulo ay hindi naman ito mabilisang pagbaba.

 

Sinasabing may 3 porsiyento ng margin error kaya’t humigit kumulang ay di naman tatas ng 7 points ang ibinaba ng rating ng Panglo.

 

November 2020 naman ng makuha ng Pangulo ang pinakamataas na satisfactory rating na pumalo sa 84 percent sa kabila ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • LRT-2, magpapatupad ng 11-araw na limitadong biyahe

    Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng limitadong biyahe ng kanilang mga tren sa loob ng 11-araw, bilang paghahanda sa nalalapit nang pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project ngayong buwan.     Batay sa inilabas na abiso ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA), magtatagal ang implementasyon ng naturang limitadong biyahe sa […]

  • DND sa mga Pinoy: Tularan ang katapangan ni Bonifacio sa gitna ng mga hamon sa seguridad

    NANAWAGAN si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sambayanang Filipino na kumuha ng lakas mula sa katapangan ni Gat Andres Bonifacio habang ang bansa ay patuloy na nahaharap sa iba’t ibang mga hamon sa seguridad.     “His story of rising from humble beginnings to leading the fight against a formidable […]

  • Food imports, target na subsidiya para pagaanin ang inflation sa Pinas

    SINABI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang food importation para dagdagan ang suplay at  targeted subsidies  sa mga  “most vulnerable sectors” ay makapagpapagaan sa mataas na  global inflation na lumigwak na sa Pilipinas.     “We have a comprehensive set of interventions to effectively balance the need to sustain growth momentum while containing […]