• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabakuna laban sa Covid-19, hindi kailangang gawing mandatory-Sec. Roque

HINDI kailangang gawing mandatory ang pagpapabakuna laban sa Covid-19.

 

Ito’y sa kabila ng nire-require ng estado ang mga mamamayan na magpabakuna ay hindi naman dapat na gawin itong mandatory lalo pa’t nananatiling mababa ang suplay ng bakuna.

 

“Bilang isang abugado, kabahagi ng police power ng estado ang i-require ang bakuna kung talagang kinakailangan pero sa ngayon naman mukhang hindi naman kinakailangan mandatory yan dahil hinihintay pa natin ang bulto ng ating mga bakuna,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa ginawang paghahain ng panukalang batas ni Cavite 2nd District Rep. Elpidio Barzaga Jr. sa Kongreso na nire-require ang bawat indibidwal na magpabakuna laban sa COVID-19 para matugunan na rin ang kawalan ng tiwala ng mga ito sa bakuna.

 

Nauna rito, nilinaw naman ni Sec. Roque na wala pang posisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa panukalang batas na ito.

 

Aniya, mataas naman ang vaccine confidence subalit mababa naman ang suplay ng bakuna.

 

“Ang tingin natin ay dumadami na o tumataas na ang vaccine confidence kaya ang problema natin hindi sapat ang bakuna doon sa mga gustong magpabakuna,” anito. (Daris Jose)