• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa general population, depende sa suplay ng bakuna- Malakanyang

NAKATAKDANG magpulong ngayon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para talakayin ang pagbabakuna sa general population na nakatakdang simulan sa susunod sa susunod na buwan.

 

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabakuna sa general population laban sa COVID-19 ay mananatiling depende sa suplay ng bakuna.

 

“Ang detalye ay hihimay-himayin ngayong Thursday sa IATF meeting mamayang alas dos, pero inaasahan natin na kapag sinabi natin na general population, siyempre po meron munang ilang lugar na magsisimula kasi depende rin ‘yan sa supply availability,” ayon kay Sec. Roque.

 

Binanggit ni Sec.Roque na ang bakunang Pfizer ay madadala lamang sa mga lugar na mayroong cold storage facilities.

 

Araw ng Martes nang ianunsyo ni Sec. Roque na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbabakuna sa general population, at maging sa mga menor de edad laban sa COVID-19 na sisipa sa susunod na buwan.

 

Ani Sec. Roque, ang pagbabakuna ay “approved in principle.”

 

Para naman sa mga kabataan na may edad 12 hanggang 17, tiniyak ni Sec. Roque na prayoridad ang mayroong comorbidities.

 

“Sa ngayon ay pinapa-masterlisting na natin ang ating mga kabataan, ang ating mga bagets, para kapag full blast na ang mga kabataan nandiyan na ang ating listahan,” anito.

 

Samantala, sa pulong pa rin mamyang hapon ng IATF, tatalakayin din kung palalawigin ang Alert Level 4 na ipinatutupad ngayon sa Kalakhang Maynila.

 

Ang Alert Level 4 — ay “second highest” sa bagong five-tiered alert level system ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila na mapapaso ngayong araw, Setyembre 30.  (Daris Jose)

Other News
  • MAIMPLUWENSYANG ONE CEBU IBINIGAY ANG SUPORTA KAY BBM

    HALOS tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa Mayo 9, pormal nang inindorso ng pinakamalaking political party sa Cebu province na One Cebu (1-Cebu) ang kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Martes ng hapon.     “One Cebu Party has the honor of announcing its decision to endorse the presidential bid […]

  • YASSI, labis-labis ang pasasalamat sa binigay na donasyon ni NBA star Damian Lillard; ‘Rollin In It PH’ magsisimula na

    NAGING abala ang newest female game show host na si Yassi Pressman sa kanyang donation drive para sa PGH na nasunugan a few weeks ago. At isa nga sa mga nag-donate ay si NBA star Damian Lillard na pinasalamatan ng host ng ‘Rolling In It Philippines’ na magsisimula na bukas, 7pm sa TV5. “Last Saturday […]

  • Hindi pinaporma ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets 126-120.

    BUMIDA sa panalo si Jayson Tatum na nagtala ng 54 points habang nagdagdag naman ng 21 points si Jaylen Brown at 14 points, nine assists si Marcus Smart.     Tinambakan naman ng Utah Jazz ang Oklahoma City Thunder 116-103.     Nagtala ng 11-three points si Bojan Bogdanovic sa kabuuang 35 points nito.   […]