• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGBABAKUNA SA ILANG CHINESE NATIOANL SA PASAY, IIMBESTIGAHAN

MAGSASAGAWA  ng imbestigasyon ang Department of Health (DOH) sa ulat na ilang Chinese nationals ang nabakunahan ng COVID-19 vaccines sa bansa.

 

 

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi aniya malinaw kung ano ang naging batayan kaya naman kanila nang pinaiimbestigahan ang nasabing ulat.

 

 

Sinabi kasi ng pamahalaang lokal ng Pasay  na ang nasabing mga Chinese nationals ay nabakunahan dahil maaaring sila ay senior citizens o may kapansanan o comorbidities  na kasapi sa priority group  ng vaccination program ng gobyerno.

 

 

Sinabi ng kalihim na sila ay mag-iimbestiga at kanila ring kakausapin  ang Pasay LGU kung ito man ay may katotohanan.

 

 

Sa naging pahayag umano ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang naturangga dayuhan ay dumaan sa regular na proseso ng pqgbabakuna  at hindi sila nabigyan ng special treatment sa vaccination sites.

 

 

Dagdag pa ng alkalde, nagsumute rin ng Barangay Certificates at Medical Certificates na nagsasabing sila ay residente ng lungsod ng Pasay at kabilang sila sa  A2 o A3  priority groups

 

 

Sa ngayon ay wala pang hawak na numero ang DOH kung ilang mga banyaga ang nabakunahan sa bansa sa kabila na ang suplay ng bakuna para sa populasyon ng bansa ay nanatiling kulang o hindi sapat.

 

 

Ayon kay Duque, batid lamang aniya nila na nabakunahan ay mga miyembro ng diplomatic corps.

 

 

“Dinadala nila ‘yung bakuna nila at ‘yun ‘yung binibigay sa sariling empleyado,” anang kalihim. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • CHR: ‘Wag magpakalat ng maling impormasyon

    NANAWAGAN ang Commission on Human Rights sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon.   Ginawa ng CHR ang pahayag makaraang lumabas ang sagot ng isang netizen laban sa umano’y mapanlinlang na post ng isang komedyante noong 2017.   Nabatid na kumalat sa social media ang isang post na nagtatampok sa pahayag ng komedyanteng si […]

  • DA, magkakaloob ng P5M pautang sa bawat meat vendor association ngayong panahon ng krisis

    NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong pisong halaga ng loan para sa mga meat vendors association .   Sinabi ni DA Sec. William Dar, na layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis.   Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na […]

  • Na-ICU after makitang unresponsive: MADONNA, natanggal na ang tube at nasa recovery stage na

    ITINAKBO sa ICU ng isang New York City hospital ang singer na si Madonna pagkatapos itong makitang unresponsive.   Na-intubate ang 64-year old singer at ang latest ay natanggal na yung tube at nasa recovery stage na ito.   Ayon sa longtime manager ni Madonna na si Guy Oseary: “She developed a serious bacterial infection […]